Sakim


Isa itong "review" tungkol sa isang pelikula noong 2009, ang "The Box". Maraming nagsasabi na ang pagkagawa daw ay di maganda or pinaka-worse movie na napanuod nila. Maaaring masyado itong magulo, maraming di malinaw, hindi siya ganoong kapulido, pero kung titignan masyado itong malalim, lahat ay parang may dalawa o tatlong kahulugan, mahahasa talaga ang utak mo sa kakaisip ng iba't ibang interpretasyon ng kahulugan ng pelikula. Pero ang totoo, may maganda siyang mensahe sa ating mga nilalang. Mensaheng tungkol sa kaugalian ng tao, kung paano tayo babagsak at kung paano tayo hindi maliligtas sa pagkawasak ng mundo dahil sa ipinapakita nating ugali.

Isa itong epidemya, isang sakit, parang kanser na di magamot-gamot, dahil nasa tao ang kapangyarihan para siya magkaroon ng magandang buhay, nasa kanya ang gamot para maligtas ang kanyang sarili at ang iba, at iyon ay ang kapanyarihan ng taong mamili, ang "freedom of choice" at "freewill" ng tao.

Sa pelikulang "The Box", May isang lalaking pumunta sa bahay ng isang mag-asawa na may isang anak, bitbit niya ang isang Kahon na may Button, kapag pinindot nila ito, magkakaroon sila ng isang milyong dolyar pero may kapalit, may mamamatay na isang tao, isang taong di nila kakilala sa mundo. Sa huli, dahil sa kahirapan at matinding pangangailangan sa pera, pindot ito ng babae. Nagkaroon sila ng isang milyong dolyar, at ang Kahon ay binawi ng lalaki para ireprogram para ibigay sa susunod na taong mabibigyan ng pagkakataong mamili. Sa huli, ang susunod na mabibigyan ng Kahon ay bibigyan din ng parehas na pagpipilian, isang milyon kapalit ang buhay ng isang taong di nila kilala, kapag pinindot nila ito, mamamatay ang huling taong o ang previous na pumindot ng button sa kahon. Kaya para itong bilog o cycle, paikot-ikot, paulit-ulit, parang walang katapusan, pero matitigil lang ito kapag may isang taong piniling hindi pindutin ang button.

Maraming mga istoryang katulad ng the Box, pede itong maihalintulad sa istorya ni Adan at Eba, ang temptasyon ni Eba sa pagkain ng mansanas dahil sa kagustuhang magkaroon ng parehas na katalinuhan ng Diyos. Mahihahalintulad din ito sa istorya ni Pandora at ang Pagbukas niya ng Kahon na naglalaman ng lahat ng kasamaan sa mundo.

Simple lang naman ang mensahe ng mga istoryang ito, Ang pagiging sakim ng isang tao, pinapakita na kahit buhay na ang kapalit ay maspinili parin ang pangsariling kaligayahan, ang pagiging selfish ng tao, pagiging greedy at materialismo. Lahat tayo ay ganito, aminin mo man o hindi, naging sakim tayo lahat kahit isang beses lang. Halimbawa, alam naman natin na sa Africa ay maraming namamatay sa gutom, maraming naghihirap, o kahit sa sarili nating bansa, sa Pilipinas maraming ganitong kaso, pero tayo bilang tao, minsan wala pang nagagawa, walang kusa, oo, ang iba ay tumutulong sa mga charity o kaya donasyon, pero iilan lang ang ginagawa ito dahil sa gusto nila talaga at ayon ang sinasabi ng kanilang puso, minsan kasi ang iba ginagawa lang ito kasi alam nila na pag gumawa sila ng mabuti, pupunta sila sa langit, kaya minsan nawawala ang essence ng pagtulong kasi alam nila na obligasyon ito at may kapalit na nagiintay.

Sa Pelikula nabangit din ang salitang "altruistic", na karaniwang ginagamit sa mundo ng mga Hayop, na ang ibig sabihin ay marunong magsakripisyo sa kapwa niya hayop, halimbawa na lang ang mga paniki, kaya nilang magsakripisyo ang sarili para kainin sila ng kapwa nila paniki tuwing wala na silang makain, marunong silang magsakripisyo kahit sariling buhay na ang kapalit. Maaring sinusubukan lang tayo ng panginoon kung kaya nating isakripisyo ang lahat ng ating kagustuhan, lahat ng ating luho at kaligayahan para sa kapwa naten, kilala man o hindi. Kaya sa pelikula ang lalaking may hawak ng kahon ay maaaring ang panginoon, at lahat ng ito'y isang pagsubok kung papasa tayo at nararapat na sa langit mapunta. Nabangit din na ang mundo ay siyang Purgatoryo, kung saan tayo'y hinahatulan kung tayo'y nababagay na mapunta sa langit.

Matitigil ang kasakiman ng tao, kung imumulat niya ang kanyang sarili, sa mga possibilidad na mangyayari sa lahat ng kanyang ginagawa, kailangan nating malinawan sa bawat bagay na ating ginagawa, kung sa gayon alam natin ang mga consequences at mga epekto nito sa atin at sa kapwa niya tao. Iisipin din natin na Lahat tayo ay konektado sa isa't isa, kapag gumawa ka ng isang bagay ay maaaring maapektohan ang iba, sa mabuti o masamang paraan, depende sa iyong gawain o ginawa.

~ Monday, December 27, 2010 0 Reactions

Atras


Atras, masyadong negatibo, minsan pa nga ay naihahalintulad sa pagiging duwag. Lalo na sa larangan ng sports, ang salitang atras ay maihahalintulad sa pagiging "quitter" o "loser". Pero di naman dapat ganoon lagi ang ating maging pananaw lalo na kung may magandang resultang makikita sa huli. Kaya ang pag-atras mo sa isang bagay o tao, ay may maidudulot na positibo o negatibo sa ating buhay na minsan makakapagbago pa sa atin.

Minsan ang pinaka mahirap na yugto sa buhay ng isang tao ay lumisan at iwanan ang isang bagay na masyadong napalapit sa puso mo o masyado mo ng minahal, at di mo alam kung kaya mong iwan. Masakit man, pero kailangan mong gawin para sa sarili mo. Misan kasi sa sobrang pagmamahal naten sa isang tao ,nakakalimutan na naten ang salitang "sarili", di lang naman puro ikaw, siya, sila, meron din namang salitang "ako".

Minsan pag nagmahal ka ng todo, hindi mo na napapansin ang sarili mo, misan nakakalimutan naten ang sariling kapakanan naten, minsan di naten nakikita na ginagamit lang pala nila tayo, misan di naten nararamdaman na tine-take for granted na lang nila tayo. Hindi naten ito nakikita dahil nahulog tayo sa patibong niya o nagayuma na tayo ng kagandahan niya. Kaya minsan mahirap na ikaw lang ang bigay ng bigay, tapos walang bumabalik in return, para kang nakikipag usap sa isang taong comatose. Para kang tangang tumatawa sa sarili mong joke. Kaya minsan nabubulag tayo, naloloko tayo, nagmumukhang tanga lang tayo. Kaya mas magandang umatras na lang. "Misan hindi na Atras ang tawag dun, kundi respeto sa sarili, sa pagkatao mo, dahil tao rin tayo hindi naman tayo si Superman na sobrang lakas na lahat ng problema kayang lampasan, pero minsan nga kahit si Superman hindi kinakaya lahat ng problemang dumadating sa kanya, misan si Superman pa ang humihingi ng tulong". Kaya wag kang matakot na umatras lalo na kung tinatapakan na ang pagkatao mo.

Sa huli ang depinisyon ng pagibig at pagmamahal, ay kailangan parehas kayong nagbibigay, parehas kayong nagmamahal, parehas kayong naghihirap, parehas kayong lumalaban, kailangan patas ang laban, hindi pwedeng isa lang ang gumagalaw, mahirap yun, parang naglaro ka ng chess, pero ikaw rin ang naggagalaw ng parehas na set, parang niloloko mo lang sarili, kasi sa huli tatapatan mo rin kung anong tinira mo sa isang set o yung nawala sa isang set.

(Ginawa ko to para sa isa kong kaibigan :))

~ Tuesday, October 5, 2010 0 Reactions

Inang Berta


Ang salitang Paalam, ang pinaka malungkot at kinakatakutang salita ng tao, isang salita na ayaw nating marinig o maranasan, dahil alam nating ito na ang wakas, ito na ang katapusan ng isang masayang araw o masayang parte ng buhay mo. Kung masakit na ang salitang "paalam" paano pa kaya kung duktungan mo pa ito ng salitang "huli", parang dinoble mo pa kalungkutang iyong dinaranas, dahil alam mo na hindi mo na siya makikita bukas, makalawa, kinabukasan o kahit kailanman.

Bawat tao ay may misyon sa mundo, bawat nilalang ay may nakatakda, lahat tayo ay may tatak sa mundo, sa maikling salita may katungkulang dapat gampanan, parang isang laro lang na dapat kang manalo para makausad sa susunod na level. Pero sa mundo naten mahirap makatapos ng isang level dahil minsan na stuck ka sa isang sitwasyon dahil minsan sobrang ganda ng pangyayari at ayaw mo ng umusad pa at ayaw mong lumisan pa dahil alam mong di na ito ulit mauulit, lalo na pag wala ka na.

Bumalik ako noong unang panahon, isang dalaga ang aking nakita, masaya, maganda at wari'y pamilyar ang kanyang mukha, naka Baro't saya at bihis maharlika. Lumapit ako sa kanya, para makita ang features ng kanyang mukha para mas lalo ko siyang makita at makilala, walang duda, siya ang aking Lola, ang great-grandmother ko. Nandun lang ako at gusto ko panuorin ang kanyang nakaraan, ang buhay na kanyang dinanas, paano niya nakilala ang kanyang kabiyak at kung paano nagsimula ang buhay namin dito sa mundo ng dahil sa kanya.

Alam ko sa aking nakita, naging masaya siya dahil nakita ko, tuwang-tuwa siya dahil naging masaya siya kasama ang kanyang asawa, at mas sumaya pa noong nagkaroon pa siya ng anim na anak. Pinalaki niya ito ng tama, maaring gusto niya ng malaking pamilya, dahil pagmalaki ang pamilya mo, mas masaya, mas maraming nagmamahal sayo, mas maraming gagabay sayo, mas maraming magaalaga at maaalala sayo, at alam mong di ka magiisa sa panahon ng hirap at pagluluksa.

Pero hindi lang siya huwarang ina, siya rin ay matapang, dahil nalagpasan niya ang panahon ng gera, kung saan tayong sinakop ng mga banyaga. Isa sa siyang babaeng dapat hangaan dahil nakita ko ang lahat ng ito sa kanyang mata, nadapat siyang mabuhay dahil di pa tapos ang misyon niya sa buhay. Dahil alam ko gusto pa niyang mas malaki ang kanyang pamilya, mas masaya at mas marami pa.

Nakita ko ang lahat, lumaki na ang kanyang anim na anak, ang iba'y nagasawa, ang iba'y nanatiling mag-isa, pero di mahalaga yun dahil masaya naman sila. Lalo na ng magkaanak pa ang kanyang pangatlong anak, pito pa, mas dumami pa, magulo man pero masaya. Patuloy kong sinubaybayan ang buhay niya, hanggang sa naglaon, tumatanda na siya pero sa huli nakangiti pa rin siya.

Nakita ko siyang malungkot ng mawala ang kanyang kabiyak, pero panandalian lang yun, dahil nga maraming nagmamahal sa kanya, maraming nandyan para saluhin ang pagdurusa niya. Patuloy ang buhay niya kahit wala na siyang kabiyak, nandyan naman ang sandamakmak niyang anak, apo at apo sa tuhod para pasayahin siya.

Umabot siya ng ilang taon, tumanda ng masaya, at hanggang sa iwan na niya kami para magpaalam, namiss na daw niya ang kanyang asawa, masyado na daw matagal ang pamamalagi niya dito, tapos na daw ang kanyang misyon dito sa mundo, alam naman niya naging masaya ang kanyang mga anak, apo at apo sa tuhod.

Sa huli, tsaka ko pa lang nalaman ang kanyang misyon dito sa mundo, ang maisilang kaming lahat, ang kanyang pamilyang ginawa, ayaw niyang solohin ang kasiyahan, gusto niya rin naming maranasan ang maging masaya, dahil alam niya na kung mas marami, mas masaya. At ngayon alam kong masaya ako dahil marami akong pedeng takbuhan, marami ako pede pagsabihan at itong marami na ito ang pamilya ko, ang pamilyang binuo ng Lola ko.

Siya si Norberta Flores, 98 years old, Great-Grand mother ko. Wala sana kami, kung wala siya. Siya ang eba ng pamilya namin. Kung baga, siya ang puno, kami ang prutas, naging malago kami dahil inalagaan kami ng mabuti. Pero minsan ang puno'y nasisira rin, nababakbak dahil sa katandaan, at namamatay pero nagiiwan ng marka sa mundo.

Sa huli lahat ng laro ay may hanganan, lahat tayo ay kailangan mag level up para matapos ang laro at iwan ang isang level para harapin ang susunod na pagsubok ng buhay.

You're greater that the great wall of China, You're grander than the beautiful rocks in Grand Canyon and the best thing is You're my Great-Grandmother, and you survive for 98 years. Rest in Peace Inang, We'll miss you.

~ Saturday, August 14, 2010 0 Reactions

Sino ang Tunay na Baliw?


Nakarinig ka na ba ng mga taong nagsasabing nanggaling daw sila sa ibang planeta, mga taong nagsasabing nanggaling daw sila sa ating future, mga taong nanggaling daw sila sa nakaraan, mga taong nagsasabing ako ay isang diyos at diyosa, mga taong nagsasabing ako ay padala mula langit bilang isang propeta, mga taong nagsasabing nakita na raw nilang nagunaw ang mundo o mga taong nagsasalita mag-isa, tumatawa mag-isa, umiiyak ng walang dahilan. Lahat ito ay tinawag at binansagan nating mga baliw. Baliw, na di nila alam ang kanilang sinasabi, mga may sira sa ulo, mga may topak o mga inutil. Pinagtatawanan, pinandidirian, pinapaalis, iniiwasan, pinapahiya, binubulyawan at binabastos, na wari'y di sila mga tao.

Kung titignan mo mahigit 80% ng bansa ay Katoliko, malamang alam nila ang nangyari kay Hesus noong mga panahong iyon, di pinaniniwalaan na anak siya ng Ama sa langit, pinagtatawanan, pinahihirapan, pinako sa krus at namatay ng dahil sa ating mga kasalanan. Sa huli lang pinaniwalaan na siya ang tunay na anak nang siya ay nabuhay at umakyat sa langit. Tinuring siyang parang isang baliw ng ilang mga tao noon, maraming di naniwala, niyurak ang kanyang pagkatao.

Hanggang ngayon matapos ang ilang mga libong taon na ang nakalipas, ay iniintay parin natin ang kanyang pangalawang pagdating para iligtas ang mundo lalo na na nararanasan natin ang unting pagbabago ng mundo, mga climate change, ang global warming. Mas inaasahan natin na malapit na ang tamang panahon na darating si Kristo. Paano na lang kung dumating na ang takdang panahon at pinadala ng Ama si Hesus sa Mundo sa pangalawang pagkakataon at nakasalubong mo si Kristo sa isang daan o lugar, at sinabi niya sayong "ako ang Anak ng Ama, na pinadala niya ulit sa mundo sa pangalawang pagkakataon para iligtas ang tao, halika samahan mo ako sa aking paglalakbay para mailigtas ko ulit ang mundo at ang tao", Maniniwala ka ba? O pagtatawanan mo lang siya at sasabihing baliw, magiging parehas ba ang trato ng tao noon sa kanya at hanggang ngayon?

Paano kung totoo rin nga ang mga taong nagsasabing galing sila sa ating nakalipas at bumalik sila dito para tulungan ang tao na ayusin ang mga kasalanan ng nakaraan o mga taong galing sa hinaharap, at sinasabing itigil na ang pag maninipula ng mga kagamitang nakakasira sa mundo dahil galing siya sa future at alam na niya ang hinaharap natin kung ipagpapatuloy natin ito. Paano kung totoo sila? at pinagtawanan lang natin at binanyagang baliw. At sa huli tsaka lang natin malalaman na tama sila o totoo pala sila. Hindi ako naniniwala sa mga gantong mga nilalang, pero naisip ko lang na si Hesus na ating sinasamba ay nung una'y di rin nila pinaniwalaan at binansagan ng iba na baliw dahil sinasabi niya na siya daw ang Hari.

Wala naman masama kung naniniwala ka o hindi sa kanila, pero ang mahalaga kahit ano pa sila at kahit ano pa ang sabihin nila na ganito sila, ay hinahangad din nila ang respeto dahil tao rin naman sila, at paano nga kung ang pinagtatawanan mong baliw, ay nagsasabi pala ng totoo gaya ni Kristo noon. At least, kahit hindi mo sila pinaniwalaan, nirespeto mo naman sila. Sa huli ang tunay na baliw ay ang mga taong di natutong rumispeto sa kapwa nila tao, lalo na sa mga taong walang kalaban-laban at pinagtatawanan dahil sa kanilang mga sinasabi at kinikilos.

Sa huli ang mga di naniwala kay Kristo ang naging baliw. Ikaw? Ako? Tayo? Sa tingin niyo tayo ba ang mga tunay na baliw sa makabagong lipunan?

Di natin alam kung ano ang naghihintay sa atin sa hinaharap, di natin alam kung ano ang iba pang nangyari sa nakaraan, Pero ikaw maniniwala ka ba sa mga taong binansagan na ng lipunan na baliw?

"You Laugh at me because I'm different, I Laugh at you because you're all the same"



~ Sunday, June 13, 2010 6 Reactions

Jejemon



Jejemon, hindi ito isang klase ng Pokemon o Digimon, hindi rin ito isang evolved na Pokemon, kundi isang uri ng tao na sa Pilipinas lang matatagpuan kung baga "only in the Philippines", hindi rin sila endangered species gaya ng Monkey-Eating eagle kung akala mo lang para silang epidemya na maikukumpara ko nung isang taon sa H1N1, mabilis kumalat, maaaring nakakahawa, wala ring lunas pero hindi nakakamatay. Ang sakit na ito ay hindi nakukuha sa pakikipag-usap o pakikipagtalik kundi sa pamamagitan ng text.

Ang Jejemon ay mabibigyan ko ng depinisyon base sa aking mga nakikita at naririnig, maari silang tao na gumagawa ng sariling pamamaraan ng pagtetext: maraming style kumbaga ito: a.) Pag nagtext sila ay gumagamit ito ng mga numero imbes na letra (halimbawa: ang "o" nagiging zero (0), ang "g" nagiging nine (9), ang "A" nagiging four (4) at ang "E" ay nagiging three (3)) b.) Salit-salitan ang mga letra may naka CAPITAL at may hindi (halimbawa: KaMuSta) c.) Sa dulo ng isang salita ay dinuduktungan nila ng letrang "z" at "h" (halimbawa: Outz na poh akoh) d.) Minsan tinetext nila ang kung pano ito narinig o by syllables (halimbawa: eyow) e.) at ang pinaka importante ay kung tumawa sila ay hindi haha o hehe kundi jeje at dahil dito itong naging bansag sa kanila.

May isa pang depinisyon ang Jejemon, maaaring hindi ito ang taong nagtext ng ganoon kundi ito mismo ang klase ng istilo ng pagtetext malalagay ko ito sa under ng textese dahil nahango ang mga gantong salita sa pamamagitan ng pagtetext. Ngayon at habang nasa tuktok pa nga mga usapan ang Jejemon, nagkaroon na rin sila ng mga sariling porma o pananamit o tinatawag na "signature dress" o "dress code". Ang pinakasikat na dress code nila ay ang jejecap.


Hindi ko rin masisi na magkakaroon ng ganitong mga klase ng tao sa Pilipinas dahil isa tayo sa texting capital of the world. Ngayon ay isa na silang grupo gaya ng mga rapper, ganster, tambay at marami pang iba. Pero kung ano ang kinauso nila ngayon gayun din naman kababa ang tingin ng ibang tao sa kanila. Nagkakaroon na ng diskriminasyon, pagnasabi mong Jejemon, kakadirian ka ng iba at ang iba naman ay pagtatawanan ka. Kaya mahirap ang isang maging Jejemon. Pero sabi ng iba wag daw nating mamaliitin ang mga Jejemon dahil isa daw itong skill, pede ring expertise, nagaaral pa daw ang mga tao para matuto nito at kailangan nakapag tapos ka ng Bachelor of Arts in Jejemontrics.

Kung gaano kalaganap ang Jejemon sa bansa ganoon ding kalaganap ang mga Jejebusters o mga anti-Jejemon. Kulang na nga lang ay magkaroon ng away sa korte ang dalawang kampong ito. Marami na nga daw mga lugar na maraming Jejemon o sabihin nating mga puntod ng mga Jejemon, kung saan dito sila madalas makikita o madalas tumambay. Kung tutuusin magandang gawing thesis ito kung ang kurso mo ay nasa linya ng mga language.

Alam mong sikat na sila dahil marami na ang mga telebisyon na nagdokumentaryo nito, o naginterview sa kanila, pasalamat ang mga TV stations na meron silang bagong mga iheheadline sa mga balita o sa mga programang komedya. Kung tutuosin hit nga ito sa mga comedy bars, at patok din ito sa mga searching sa net, naalala ko isang beses ng bumisita ako sa Yahoo Philippines sa aking pagkakatanda nasa pang apat na "most search in Yahoo" ito.

Kung tutuusin wala na tayong magagawa kung hindi tanggapin na lang na nag-exist sila. Kaya nga naikumpara ko sila sa H1N1, dahil gantong buwan din ito nagsimula mga around May nuong isang taon, ang kaibahan lang sa Pilipinas pa lang may ganito kaya babala mag ingat sa pagtetext.

~ Thursday, May 20, 2010 5 Reactions

Quiapo


Isa ang Quiapo sa pinaka dinadalong lugar sa bansa dahil sa Poong Nazareno. Maraming Deboto ang nagpupunta dito para magsimba, magnobena, magdasal at magprosisyon. Dito lang ako nakakakita ng mga taong naglalakad ng nakaluhod simula sa pintuan ng simbahan hangang sa altar kung nasaan ang Poong Nazareno. Isa ng tradisyon ang pagpunta dito sa Quiapo para sa aking pamilya dahil sumasama kami sa Alay Lakad, kung saan binabaybay namin ang daaanan papuntang Antipolo.

Maaaring masasabi kong isa ang Quiapo sa may pinaka sikat na simbahan o lugar kung saan maraming taong pumupunta para magdasal at kung ano pa. Pero sa aking unang pagpunta may napansin akong mali, alam kong merong mali dito sa lugar na ito na nagsisilbing tahanan ng Diyos. Mapapansin mo na ang daming mga tindera sa paligid parang Palengke o Divisoria ang naging palibot ng simbahan, dadala pa ang masangsang na amoy ng mga tinda roon na nakaka-turn off naman din dahil nagsisilbi itong sagradong lugar para sa ating mga Katoliko.

Maihahalintulad ko ang sinaryong ito sa isang storya sa Bibliya, ang " Pagmamalasakit para sa Templo", "Malapit na ang Paskwa ng mga Judio kaya't pumunta si Jesus sa Jerusalem. Nakita niya sa Templo ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa at kalapati, at ang mga namamalit ng salapi. Kumuha siya ng lubid at ginawa iyong panghagupit, at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagtitinda, pati na ang mga baka at tupa. Isinabog niya ang salapi ng mga namamalit ng pera at ipinagtataob ang kanilang mga mesa. Pinagsabihan niya ang mga nagtitinda ng kalapati, Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama!"

Ang Simbahan ng Quiapo ay maituturing din nating bahay ng Ama, pero ang palibot ay ginagawang palengke, ang palibot ay maituturing kong delikado dahil sa dami ng mga magnanakaw dito, ang palibot ay naging madumi dahil sa mga kalat-kalat na mga nagtitinda at maraming mga nanloloko gaya ng mga manghuhula. Mahirap paalisin ang mga taong matitigas ang ulo, kahit na iyong itaboy, babalik at babalik pa rin ang mga ito para mag tinda, bakit di kaya gayahin ng mga pari ang ginawa ni Hesus? Sa tingin ko ay tama naman nagawin nila yon para irespeto nila ang simbahan na tinuturing nating tahanan pero sa kabilang dako ay pede namang masira ang pangalan ng mga pari kung gagawin nila yun imbes ay kausapin na lang nila ng maayos dahil kung hindi baka maraming tumalikod sa simbahan.

~ Friday, May 14, 2010 1 Reactions

Vina G. Yoo



Ako nga pala si Vina G. Yoo, wala akong tunay na pangalan, TNT ako kung tawagin ng iba dahil walang permanenteng tahanan, bawat puntahan ko ako'y nagbabago ng pangalan, sa Pilipinas ito ang aking pangalan si Vina G. Yoo gaya ng aking pagpapakilala, sa katotohanan di ko alam ang aking kasarian, minsan babae, minsan lalaki, minsan wala, di ko alam kung hermaphrodite ako-ibig sabihin may kasarian ng babae o lalaki, o minsan nga asexual ako- o walang tiyak na kasarian, parang halaman, parang mga kagamitan. Sa bawat lipat ko sa isang bansa, dun nagiiba ang aking pangalan at kasarian.

Alam mo ba kung bakit ako nag Ti-TNT? Kasi lagi na lang akong laman ng pahayagan, radyo, telebisyon at kahit sa internet, lagi na lang akong nakakasira ng gamit, ang masama pati bahay, pero ang pinakamasama ay madalas sa aking pagdalo sa mga bansa ay di ko mapigilang pumatay. Pero di naman ako mahuli-huli ng pulis kahit saan ako magpunta, sadyang malakas ako, mabilis at magaling magtago kahit sobrang laki.

Kung alam mo lang ay sobrang lungkot ko, lagi na lang ako nagiisa, ayoko namang makasira o makapatay, sadyang hindi ko lang mapigilan ang sarili ko, maaaring ang dahilan ng aking pagkagalit ay dahil hindi ako matanggap ng bawat bansang aking pupuntahan, hindi ako lubos matanggap pag bibisita o dadaan ako sa bansa nila, at hindi nila ako bibigyan ng magarbong handaan kundi lahat ay magtatago pag ako ay darating, lahat ay papasok sa bahay, lahat ay takot sa akin, kahit wala pa akong ginagawa, pagnarinig na ng mga tao naparating ako, talang lahat ay magdadasal na di na lang sana ako dumating or sana ay tumaliwas na lang ako at pumunta sa karagatan. Kita mo kung gaano kahirap? Ang hiling ko lang ay pagtanggap ng tao sa akin, para hindi ako magalit at manira at makapatay.

Pero sa kabila ng lahat meron paring mga taong lubos akong minahal at tinatanggap sa katunayan ay lagi pa nga nila akong hinihintay, halos minsan sa sobrang dalang ng aking pagbisita sa kanilang bansa ay pinagdarasal pa nila ako na dumating. Sila ang aking mga paboritong nilalang sa mundo, pasalamat na lang ako at sa bawat bansang aking puntahan ay may gantong clase ng tao. Sino sila? sa Pilipinas ang tawag sa kanila ay istudyante o mga magaaral. Pero minsan tinataboy naman nila ako pag sobra na ang pamamalagi ko sa kanilang bansa, kaya ako nagagalit, depende sa aking panagano o "mood" kung aalis ako o mananatili. Minsan naman nagtatampo ako sa mga istudyante kasi pag dating ng kanilang summer vacation na nasa Abril at Mayo, ayaw na nila sakin, pero okay lang naman sakin dahil dalawang buwan lang yun ano naman yun sa buong taon.

Sa aking pagkakatanda ang pinaka naging kilala kong pangalan sa buong mundo ay Katrina, nasa Amerika ako noon bago pa man maupo si Presidente Barrack, tandang-tanda ko nuong itinaboy ako sa Bahamas, sobrang galit na galit ako noon kaya walang sabi-sabi ay umalis ako doon, sa sobrang galit ko di ko alam kung saan ako pupunta hanggang na malayan ko na nasa New Orleans na ako, sila tuloy ang nakaranas ng aking bangis, halos mawarak ko nga ang buong lugar noon, wala talaga akong pinili mayaman, mahirap, bata o matanda. Ganoon naman talaga kapag sobrang galit ako. Kaya ngayon humihingi ako ng tawad sa mga nasalanta ko doon.

Sya nga pala, madalas akong bumisita sa bansa ninyo, sa aking pagkakatanda at basi sa nakasulat sa aking schedule na ginagawa ko taon-taon mga Hunyo hanggang Oktobre ang dalaw ko sa bansa niyo. Minsan akala ko tinatawag ako ng bansa ninyo para bumisita, kasi akala ko gusto ng Pilipinas ng maduduming daan, makalat na lugar, puro basura, at maiitim na kanal at akala ko ayaw ninyo ng puno kasi wala kayong gaanong puno at nakakalbo ang mga bundok. Eh akala ko gusto niyo ng ganon, eh alam niyo namang ako na ata ang pinaka expert pagdating sa ganyan at alam mo namang diyan ako nakilala diba? kaya bumisita ako sa bansa ninyo nuong Setyembre, dahil sa aking pagaakalang gusto ninyo ng maduduming kalsada, at lalong kalbong kabundukan, lalo kong nilakasan at tinodo ko ang aking lakas hanggang sa madumihan at lalong masira ang mga daanan at bundok ninyo at binansagan ninyo pa nga akong Ondoy. Sa loob-loob ko lang, ang baduy ng ipinangalan nung kainis na Pag-asa na yan! Tuwing dadating ako sa bansa ninyo kung ano-ano nagiging pangalan ko, e ang panget naman, dati Millenyo tapos natatandaan ko Reming! kung sa America nga eh medyo classy pa na Katrina ang ipinangalan sa akin. Kung pede lang ako magprotesta! eh hindi kasi TNT ako at baka mahuli pa ako ng Pulis at baka hindi na ako makadalaw muli sa bansa ninyo kung saka-sakali.

Ang hinahanap ko lang naman ay pagtanggap, wala nga daw akong puso, pero may mata naman ako, nakikita na tuwing darating ako kayo ay lilisan at magtatago, kahit wala pa akong ginagawang masama, kaya lagi akong nagagalit, lagi akong naninira at lagi akong pumapatay. Paano kung kayo ang nasa pwesto ko? nagiisa na nga lang ako, wala na akong pamilya, wala na akong tirahan, wala pa akong tunay na pangalan o kasarian, tapos wala pa akong mga kaibigan, panay kaaway, sawa na rin akong lumabas sa mga dyaryo, radyo at mga pahayagan, ng dahil sa kanila nagiging masama ako sa mga mata ng tao.


~ Friday, April 9, 2010 3 Reactions

Nationalismo o Sadyang Uso?


"Proud Pilipino, "Proud Pinoy"o "Three Stars and a Sun"- ilan lang ito sa mga katagang ating naririnig o maaaring laman ng t-shirt o sando ng nakasalubong mo habang ika'y naglalakad sa mga matataong lugar. Mga kantang tungkol sa bansa, mga sayaw na nagrerepresenta ng ating pagka-Pilipino, mga baller na naglalaman na mga matatalinhagang salita galing sa mga sikat na tao sa bansa o sa mga bayani -kahit di natin alam ang ibig sabihin o mga palamuti o abubot sa katawan na may tatlong bituin at isang malaking araw sa gitna. Isa ba itong pagpapakita ng ating pagkanationalismo o patriotismo o nakikisabay lang dahil uso?

Kahit ang mga kilalang artista o politisyan ay nagsusuot nito, kahit nga ang mga kilala nating branded na outlet ay nilalagyan ng pagka nationalismo ang mga kanilang produkto, gaya ng sapatos na may watawat ng bansa o kahit mga t-shirt at bag. Sana ay hindi lang nila ginagamit ang pagsuot ng mga t-shirt na ganito o paglalagay ng mga quotation sa kanilang mga produkto para mas bumenta at para mas makilala sila.

Bilib ako kay Francis Magalona, na isang magaling na singer dito sa bansa, napatuloy na nagpapahayag ng kanyang pag ka nationalismo sa pamamagitan ng mga kanta niya. Isang siyang tao na patunay na may mga Pilipinong nagmamahal sa bansa ng lubusan kahit hanggang sa kanyang kamatayan ay nagiwan siya ng lamat sa bansa. Sa aking pagkakakaalam ay siya ang nagpauso ng "three stars and a sun" lalo na sa mga suot-suot ng mga tao ngayon.

Samantalang pag tinanong mo naman ang mga taong nakasuot ng mga Ninoy Aquino Shirt o yung Three Stars and A Sun, kung sino yung taong nasa damit niya ay di niya kilala, o maaaring di niya alam ang ginawa nitong taong ito sa bansa, o kung ano ang ibig sabihin ng tatlong bituin at mga sinag ng araw sa kanyang damit ay di niya masagot-sagot.

Ngayon at nauuso na ang mga kagamitan na may watawat ng Pilipinas, sa na ay maipakit natin na talagang nagmamahal tayo sa ating bansa, hindi lang dahil uso ang mga ganitong kagamitan ay makikigaya na tayo at makikibili na rin. Sana ay maipakita natin na talagang mahal natin ang bansa at hindi natin ito kinakahiya. Mas maipapakita natin ang ating pagmamahal sa bansa kung tatangkilikin natin ang sariling atin gaya ng mga produktong gawang pinoy, mga palabas at mga pelikula, kahit pa sabihin nating korny, kahit papano nakatulong ka na sa kapwa mo Pilipino. Sana nga ay totoo tayo sa ating pagiging nationalismo at sana nga ay hindi lang tayo nakikiuso.


~ Monday, April 5, 2010 0 Reactions

Pangalawang Pasko


Easter Sunday ang karaniwang tawag dito, ito ang pangalawang pasko, dahil ito ang pangalawang beses ng nabuhay si Kristo, ang una'y ay nuong December 25, samantalang ang Easter Sunday ay walang tumpak na kaarawan o petsa, kung ating mapapansin. Hindi ito panahon ng mga itlog na may iba't ibang kulay o panahon ng mga kuneho, madalas kasi ito ang ating nakikita tuwing Easter Sunday at hindi ang totoong kahulugan kung bakit tayo nagdiriwang ng gaitong kaarawan. Ang talagang dapat nating ipagsaya ay ang pagkabuhay ni Hesus na sadyang namatay sa krus dahil sa ating mga kasalanan.

Bakit nga ba Easter Sunday ang tawag dito? ito ba ay direksyon? Pede bang Wester Sunday? Syempre hindi, sa katotohanan ay walang koneksyon ito sa direksyon. Ito ay nanggaling sa isang salitang Norsemen na pinaniniwalaan ng mga naglagda na ang ibig sabihin ay Eostur o Eastar o Ostar na ang ibig sabihin sa Ingles ay "season of growing sun" o "season of new birth". Ang iba naman ay naniniwala na galing ito sa isang dyosa nagngangalang Eastre na sinisumbolo ang "hare"- parang isang pinalaking kuneho na may mahabang tenga at mabilis tumakbo. Kaya pala madalas ay kuneho ang ating nakikita sa mga patalastas kapag ginugunita ang Easter Sunday.

Naghirap si Hesus para lang mailigtas tayo sa ating mga kasalanan, kung iyong papansinin ang ating Panginoon lamang ang may mukhang naghihirap, may mukhang duguan at ang kaisa-isang panginoon na nagkatawang tao, ikumpara mo pa sa mga diyos at diyos-diyosan ng iba na laging mukhang mayaman, malinis at may iba-ibang itsura. Tayo lang ang panginoon na nagkatawang tao para malaman niya ang ating nararamdaman kung tayo ay nalulungkot, natutuwa o natatakot, kaya wala tayong karapatan na sabihan siya na hindi niya nararamdaman ang ating dinaranas tuwing may problema tayo, dahil siya ay naging tao rin tulad naten. May isang istorya akong natatandaan noong nakinig ako ng pitong huling salita ng Panginoon nung siya ay nasa krus, Ang title nito sa ingles ay "Foots in the Sand": Nuong masasaya nating araw kasama natin si Hesus at habang naglalakad tayo sa tabing-dagat napansin ko na may dalawang pares ng paa sa buhangin, isa sa iyo at isa kay Hesus, pero nuong sa mga malulungkot kong araw napansin kong nawala ang isang pares ng paa sa buhangin, nangamba ako at nagalit sa Panginoon at hinayaw " Bakit sa mga panahon na problemado ako at kinakailangan kita wala ka sa tabi ko?!" at ang sagot ni Hesus ay "Hindi kita iniwan, sa katunayan ay buhat kita tuwing ikaw ay may problema". Simula nung narinig ko ito, parang ang hirap na muling magreklamo sa panginoon dahil lahat ay napagdaanan na niya at tuwing may masamang nangyayari sa atin lagi nating tatandaan na nandyan si Hesus sa tabi natin at akay-akay tayo para mapagpatuloy sa ating buhay, kung siya kinaya, sigurado kaya rin natin.

Kaya ngayong Easter Sunday, sana gunitahin natin at ipagdiwang natin na may Diyos tayong nabuhay at namatay ng para sa atin, namatay siya para iligtas tayo sa ating mga kasalanan at nabuhay siya para di tayo pabayaan at patuloy na akayin hindi lamang sa mga panahon na tayo'y problemado kundi kahit sa mga panahong di natin nararamdaman na hindi natin siya kailangan.

~ Sunday, April 4, 2010 0 Reactions

South Pilipinas


Maaaring pamilyar ka na sa mga kaganapan ng nangyayari sa ating bansa ngayon ukol sa mga kaguluhan sa Mindanao. Kung di ka pamilyar, ang Mindanao ay isa sa tatlong pinaka malalaking pulo sa bansa: Luzon, Visayas at Mindanao. Marami ang nagiging problema ng ating gobyerno sa Mindanao, hindi lamang sa napakalayo nito sa kabisera ng Bansa kung saan nakatayo ang Malacanang at mahirap makipagusap at makipagkasundo, kundi may sarili silang cultura at sariling relihiyong sinusunod kaya mahirap na basta-bastang magsalita dahil hindi mo na alam ay nakakasakit ka na pala o tinatamaan mo ang kanilang mga paniniwala.

Maaaring narinig mo na ang Maguindanao Massacre gawa ng Pamilya Ampatuan na pumatay ng mahigit 50 na tagapagbalita at mga cameramen, sa Mindanao ito nangyari. Pati na rin ang mga Abu Sayaf na nananatiling problema ng bawat presidenteng umuupo sa Malacanang dahil sa mga pangugulong ginagawa nito sa Mindanao at patuloy na pumapatay at nangingidnap ng mga kilalang tao, mga taga-ibang bansa at mga turista.

Isa ito sa problema ng bansa ngayon, maraming natatakot na bumisita sa ating bansa dahil sa mga sunod-sunod na masasamang balita nangyayari sa bansa lalo na sa Mindanao. Marami tayong mga kababayan ang gustong maayos na ang gusot na naghahati sa ating bansa. Sino ba ang dapat makapag ayos nito? kelan ba ito titigil? kelan matutuwid ang gusot? Di natin alam kaya dapat maging matalino tayo at mapagmasid kung sino ang ating iboboto sa darating na eleksyon.

Ang aking kinababahala bilang isang istudyante, ay mamaya ay mangyari ang hatian ng bansa, gaya na lang ng nangyari sa Korea, na nahati sa North at South Korea dahil sa hindi maayos na pagkakakaunawaan. Magkakaroon ng North at South na Pilipinas, ang parteng Norte ay ang Luzon at Visayas at ang parteng ibaba ay pinatatakbo ng Mindanao. Mahirap isipin pero di malabong mangyari lalo na at maraming namamagitan sa atin at Mindanao.

Paano kung dalawa na ang Pilipinas? Syempre, pagdating sa Olympics o Southeast Asian games dalawa na ang magrerepresenta ng ating bansa, ang isa ay ang north at ang pangalawa ay south pero parehas na Pilipinas. Pangit pakinggan pero isa ito sa mga dapat nating tanggapin pag nagkahiwalay ang bansa.

Paano ang mga pambansang kanta? pambansang hayop? bahay? bulaklak? mababago ba ang lahat pag nagkahatian na? Malamang oo, dahil marami sa ating mga pambansang kagamitan ay matatagpuan lamang sa Mindanao, magaganda rin kasi ang tanawin sa Mindanao, kaya nga ito nagiging tourist spot.

Ang Watawat ba natin ay maiiba pag nahati na ang bansa sa dalawa? Maaari gaya ng North and South Korea, magkaiba lahat, pero isa lang ang dinadalang pangalan "Korea". Sana hindi maging ganito ang ating Bansa, paano kung mas sumikat ang isa sa isa parang ang hirap tanggapin dahil nagsimula tayo sa isa pero nagtapos sa dalawa, na para bang sa tao, sa una'y kaibigan tayo pero habang tumatagal para di tayo naging magkakilala. Kaya dapat ang susunod na tagapagpuno ng bansa ay maayos ang problemang ito na dinaranas ng bansa. Sana nga hindi ito mangyari dahil maaari pa itong maayos. Dahil pangit pakinggan at Pangit tignan lalo na sa globo at mapa na magkadikit nga ito pero magkaibang bansa pala.

~ Wednesday, March 31, 2010 0 Reactions

Taong Sikpil


Nakakita ka na ba ng mga taong pilit na pinipilit na maging astig o cool? Eh yung mga taong feeling sosyal o professional? Social Climber ang tawag dito sa mga taong ito, hindi naman sila ganun pero pinipilit nila mgaing ganun kung ano man ang kanilang ginagaya. gets? Ang daming taong ganyan at pinipilit laging isaksak ang sarili kahit hindi naman sila ganyon. Kung may mga tawag tayong taong hipon meron din akong tinatawag "Taong Sikpil"- ito ang mga taong mahilig isiksik at ipilit ang sarili kahit di naman sila ganung klase ng tao.

Nauuso na ang SLR na camera branded pa Nikon, Sony o Canon. Kadalasang itong ginagamit sa mga propesyon gaya ng mga photographer at iba. Ang iba naman ay ginagamit ito bilang paglilibang o dahil kahiligan gawin o dahil may natatagong kagalingan pagdating sa pagkuha ng mga larawan. Wag nating ikaila, sadyang magaling ang iba, talagang magaling kahit di ito ang propesyong kanilang kinuha, kumbaga "hidden talent" ba! Wala namang problema sa ganon pero ang nakakayamot lang ay yung iba pinipilit na maging sosyal at pinipilit na magaling sila kumuha, kaya bibili rin sila ng SLR, uso eh kaya bibili. Sige kuhanan pede basurahan, sige kuhana pati hawakan ng pintuan o pati ang kubeta. Natatawa lang ako. Sige ipilit at isiksik ang sarili sa hindi naman nila kaya.

Isa pang nauuso ay ang mga kotse, walang duda, astig ka raw pag may kotse, pampaakit daw ito, pampadagdag daw ba ng pogi points. Okay lang namang magkaroon ng kotse kung may pera at kung ikaw ay nagkokolekta ng mga ito at inaalagaan, pero sana naman yung iba na pilit na magkaroon ng sariling kotse, panget naman, please wag nang ipagmayabang, napapahiya ka lang eh, halata namang pinagawa lang sa talyer o isa yan sa mga "Ondoy Cars". Sige ipilit at isiksik ang sarili sa hindi naman nila kaya.

Starbucks? Coffebean? o mga coffee shops na nauuso ngayon. Sabi ng iba sosyal ka raw pag mayhawak kang plastic ng starbucks habang nagmall, ikaw naman sige bili kahit mahal ang starbucks bili parin sosyal daw eh, uso daw eh. Sige, kahit ubos na ang iniinom hawak-hawak parin ang plastik cup, para malaman ng buong sambayanan na nag starbucks siya, o sige ikaw na! Tapos mamaya magrereklamo kang gutom, kasi inuna mo pang bumili ng kape kesa kumain, ang mahal-mahal na nga nangbilihin dun at alam mo namang di mo kaya dun ka parin bibili. Sige ipilit at isiksik mo ang sarili mo.

Cellphone, pinaka kailangan na teknolohiya ngayon, para madaling makipagusap sa ating mga mahal sa buhay hindi lamang sa loob ng bansa pati na rin sa mga mahal nating nagtatrabaho sa ibang bansa. Halos ang iba'y nakadikit na ang buhay dito, kung wala ito parang mamawala ang kalahati ng buhay nila, aminin man nateng delekado ito at magastos. Ang mali lang ay kung pinipilit gayahin ang mga branded na cellphone, tawag sa mga peke ay "China phone" na minsan ay nagiging bingit pa ng ating buhay. Dahil sa kagustuhang maging "in" ang telepono niya kahit di kaya ng bulsa pinipilit na bumili ng China Phone na kahawig ang mamahaling telepono, ayan tuloy minsan nadedesgrasya ka pa dahil akala ng mga holdapper at magnanakaw eh ayan yung mga mamahaling telepono, ayan muntik ka pang mamatay. hay. Wag na kasing ipilit at isiksik ang sarili.

Ang Salamin ay para lang sa malalabo ang mata, para malinaw ang kanilang makita. Ang ibang tao naman ay gustong gawing fashion sense ang mga salamin. Sige kahit di naman malabo ang mga mata nagsasalamin pa rin para feeling cool at astig at pampadagdag daw pogi points at mag mukhang matalino , kahit hindi. Ngayon pa't nauso ang Ninoy Glasses, hala sige parang mga kabute lang na nagsusulputan ang mga taong gumagamit ng salamin kahit di naman malabo. Sana talaga wag ipilit, hindi naman bagay.

Contact Lenses, para rin sa mga taong malalabo ang mata. Ang iba rin gustong gawing fashion sense ang contact lenses, di pa nakuntento gusto pa iba ibang kulay araw-araw, asul sa lunes, berde sa martes, dilaw sa miyerkules at kung ano pa, may pusang mata pa, may ahas na mata. Hoy kala mo siguro astig yan ano, mamaya mabulag ka pa sa ginagawa mo at sakakapilit maglagay ng contact lense. Gusto nila siguro ay maging high class ang kanilang itsura para masabing galing ako sa pamilyang half-half, ang iba naman para masabing foreigner ako kaya ganto mata ko. Sus, pedeng wag ipilit?

Braces sa ngipin naman ay para lang sa mga taong may sira ang ngipin at di para gawing pamporma, minsan kasi ang iba nagpapalagay ng braces kahit di naman panget ang ngipin, ginagawa lang pang porma, uy astig ako dahil nakabraces ako, okay! gusto pa ung kulay ng braces iba-iba minsan pa ay pinaghahalo-halo o may pattern, blue-green-blue-green, sige na ipilit mo pa.

Ang huli ay ang Pagpapagawa ng Mukha pati ng katawan, o papa-Bello o papa-Calayan o magpaplastic surgery, halos parang kabuti rin ang paglaganap ng mga klinika ng mga plastic surgery. Nauuso ang magpabata, magpahatak, magpalaki at magpatanggal ng kung ano-ano dyan. Patanggal ng taba, kulubot sa mukha o anu man, bilang isang Sport Scientist student, ang mas maganda paraan ng pagpapapayat at pampakinis ng kutis ay ang pageensayo at pagkain ng tama. Hindi yung dinadaan sa makabagong teknolohiya, lalo na yung mga taong wala ng ngang pangkain eh masuunahin pang magpaplastic surgery, ayan tuloy mas lalong nasisira ang ating mukha kasi hindi lisensyado ang iba.

Sana tanggapin natin kung ano tayo at kung ano ang ibinigay satin ng Panginoon, magpasalamat na lang tayo na kaya nating mabuhay pa ng isang araw, wala naman masamang gawin ang ating nagugustuhan pero sana wag nating ipilit o isiksik ang ating mga sarili sa mga taong hindi naman tayo, mahirap ka na nga at wala ng pangkain ay nagaasam ka pa ng pangporma, pampaganda, pampapogi o mga kagamitan na magmumukha kang mayaman o astig sa paningin ng tao, at kung ang problema mo ay ang pagtanggap sayo ng tao, mas mabuti ng matanggap ka nila kung sino ka talaga kesa naman tanggapin ka nila sa hindi ka.

"Wag mo nang ikaila lahat tayo ay naging ganto, pero ang iba'y piniling maging sila kesa maging iba."


~ Sunday, March 7, 2010 0 Reactions

Papel de Lason


Ang Dyaryo ay para sa mga taong may kagustuhang magbasa ng mga pangunahing mga pangyayari na dinadanas ng ating bansa at pati na ng sa buong daigdig. Sa mga kilalang Dyaryo sa bansa, tulad ng Inquirer, Star at Manila Bulletin, madalas ay Ingles ang kanilang ginagamit na pangunahing linguahe lalo na sa unang pahina ng Dyaryo. Malalaking Letra, naka-Bold, Mga nakakakuha ng attensyon pag iyong nakita, may sinusunod na patakaran sa paglathala ng isang balita , desente, at sa ilalim o itaas ay may larawan ng kung ano man- ganyan ang ilan sa mga katangian ng isang heading ng isang pangunahing Balita. Ito ay para sa mga mas kilalang kompanya ng Dyaryo gaya ng mga sinabi ko kanina.

Paano naman sa mga di gaanong kasikatan na mga tatak ng Dyaryo? Malaking kaibahan, madalas tagalog ang gamit na linguahe, hindi desente ang mga headings, may mga larawan ng seksing modelo na kadalasan ay halos wala ng saplot, madalas labo-labo at kalat ang mga headings sa unang pahina at higit sa lahat hindi lang siya nakakaagaw attensyon, minsan pa ay nakakabastos o parang medyo nilalaro ang mga titolo nito, minsa'y parang dalawa ang ibig sabihin. Halimbawa: Bata Binoljak ni Lolo, Dalagita minason ng ilang mga kalalakihan at Asawa ni Misis Kumahol sa kabilang Bahay.

Kaya minsan ang dyaryong dapat ay nagbibigay impormasyon ay minsa'y nagiging isang paraan na kung paano lumaganap ang pornograpiya sa ating bansa, hindi lang ito gaano tinututulan ng gobyerno dahil karapatan ito ng tao para maisawalat ang kanyang saloobin na suportado ng Konstitusyon.

Hindi ito nararapat, lalo na sa mga ilang kabataan na napapaisip kung ano talaga ang balita, naiiba tuloy ang hinuha ng isang tao tungkol sa kanyang nabasang titolo ng balita, naiiba ang ibig sabihin, nagkakaroon ng pangalawang kahulugan at nadudumi ang utak. Hindi ito nararapat, nang para lang sa pera, susubukan mo kunin ang attensyon ng ibang tao sa paglalagay ng mga bastos na titolo o mga babaeng modelo. Alam kong depende ito sa tao kung paano niya ito dapat makita, pero dapat wag gumamit ng mga salitang di kanaisnais pakinggan o basahin.

Ang dapat gamit ng isang Dyaryo ay para magbigay alam, mag bigay impormasyon, magbigay ng aliw, minsan pampalipas oras at minsa'y para matuto at hindi mang gago o manloko sa paraang di kanais nais at bastos. At hindi para lasunin ang mga pagiisip ng tao lalo na ang kabataan na kadalasa'y pangunahing biktima.

~ Saturday, February 6, 2010 0 Reactions

Bulate Era


Maraming tao na ang nagkakandarapa para lang sa isang katiting na sentemo. Ilang tao na ang namamatay dahil sa kumukulong tiyan. Ilang porsyente na ang naghihirap sa aten. Di ko alam kung anong dapat ko itawag sa panahon na ito. Kung may middle age, stone age o metal age siguro tatawaging ko tong "Bulate Era". Napaka-weird diba. Pero pansinin mo, Ang bulete kahit ano gapang, kahit ano hirap ang dadanasin niya ay babagsak at babagsak pa rin ito sa Lupa. Wala pagkakataong mag evolve man lang. Talagang Bulate lang na minsan pa'y kinakain ng mas malalaking hayop.

Ganyan ang kahirapan sa Bansa. Bulate dito, Bulate doon. Pag ang bulate ay nahiwa sa dalawa ay nabubuhay. Ganyang kabilis ang invasion ng mga Bulate. Parang Kahirapan, madaming mahirap, madaming namamalimos, madaming nangungurakot at madaming tamad para umasenso. Sa Hirap ng buhay di pa natotoo. Habang tumatagal ganun din kabilis ang bilang ng taong humihirap, Parang ngang bulate mabilis mag multiply.

Gumagapang ang iba para sa kanilang pamilya, para mapagaral ang mga kapatid at mapaunlad ang kanilang sosyal na istatus sa bansa. Pero kahit anong gapang wala minsang nanyayari, pasalamat ka na lang kung may himala. Sa dami na ng nagsasarang mga kompanya, ganun ding kadami ang mahihirap. Walang trabaho na nagreresulta sa walang pera na nagreresulata sa kahirapan.

Naranasan mo na bang mapunasan ng sapatos sa jeep tapos hihingan ka ng bayad? Naranasan mo na bang makatok sa sasakyan para manghingi ng pera? Nakakita ka na ba ng taong natutlog sa kalye at kalapit ang isang plastic cup? Well, di ba common lalo na kung mapansinin ka sa paligid mo. Daming ganto, para bang ito ung uso. Ang hindi ko maintindihan ay binigyan naman sila ng kamay, paa, mata, bibig at tenga para gamitin ito at mag trabaho, ung marangal na trabaho. Kung bakit ang iba kaya at ika'y hindi. Sabi nga eh " Di mo kasalanang maging mahirap ka pero kung namatay ka ng mahirap, kasalanan mo yun dahil ibig sabihin di ka nagsikap".

Habang tumatagal ang palilimos o pagkakanta o pagpupunas ay di na uso. Uso na ang nakawan, kidnapan, kurakutan at pangho-holdap. Tumaas na ang standards ng tao, ayaw na nila ng pa barya baryang kita, gusto na ay libo-libo, daan-daan. Masasabing tayo nga ay isa sa may pinaka malaking bahagdan ng mga katoliko pero kung gaano kadaming katoliko ganun ding kadami ang clepto ( may ryhme haha ). hindi ba malaki itong kahihiyan.

Mahilig tayong sumali at makipagkompitinsya sa ibang bansa sa guiness book of records at minsan ay tagumpay tayo pero nabasa ko na tayo rin ang no.1 sa pinaka maraming pinapatay. Ayan ba ang dapat ipagmalaki? ang mgaing no. 1.

Super Hirap ang buhay ngayon gayun din ang makakalap ng kahit isang maliit na barya. Mahirap ang buhay, pero dyan lahat nagsisimula. Kelangan mong maghirap para madanas ang tagumpay para pag bumagsak ka okay lang dahil kayo mo pang bumangon muli at magsimula ng bagong buhay dahil alam mo na kung pano nasaibaba.

~ Friday, January 29, 2010 0 Reactions

Internetism


Umiikot ang mundo at patuloy na nagbabago. Ang mga nakaraan ay nagiging kasaysayan samantalang ang hinaharap ay nagsisilbi pang misteryo. Kaya kahit tayo hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw, buwan o taon! Patuloy bang mananatili ang lahi ng tao o mawawala na lang tayong parang bula sa mundo? Sa umiiral na paglaganap ng teknolohiya sa buong mundo mas nagiging madali ang kalidad ng buhay ng tao. Habang tumatagal mas lalong nadidibelop ng tao ang teknolohiya at ng teknolohiya ang tao, at isang pruweba na rito ay ang paggamit ng internet. Dahil sa nabibigay nitong mabilisang serbisyo: mapa-laro, musika, pelikula at pati sa larangan ng agham. Nabura na ang mga bakas ng mga daynasors sa mundo pati na rin ang mga taong tabo sa kweba ng Cuba at nagiwan na lang ng mga artipaks. Maaring tayo na ang susunod na mawala o kundi man ay makabilang sa mga mas mabababang ispesis sa mundo at mapalitan ng mga metal na tao. Tinatawag ko ang panahon na ito na “Internitism”, kung saan nagpapakita na ng senyales ang pagkawal ng tao at ang pagsakop ng mga robot sa pamamagitan ng internet.

Lahat ngayon ay madali ng maakses. Isang pindot lang nasa harap muna ang kailangan mo. Walang hirap, walang tiyaga. Ganyan ang buhay ngayon, gusto lahat ay madaling makuha, ika nga nila ay “Easy to get”. Pero hindi lahat ng dulot ng internet ay mabuti, sa katotohanan nga ay mas maraming disadbentahe ang binibigay nito. Kaya nagbabagsakan ang ekonomiya ng bansa ay dahil sa salitang kahirapan. Walang pera ang tao, nagsasarado ang mga kompanya na nagreresulta sa paglagapak ng ekonomiya. Isang dahilan sa pagkalugi ng mga kompanya ay ang internet. Hindi lang kahirapan ang nadudulot ng internet pati na rin ang pagbabago ng ugali at pananaw ng tao.

Simulan natin sa larangan ng musika, tayo’y giliw na giliw sa tuwing may kumakanta, hangga’t maaari ay gugustuhin nating mapakingan ang ating mga paboritong musikero, kompositor, banda at maging artista. Lalo na sa panahon ngayon ay nausuhan ng Ipod at Mp3 ang mga kabataan. Halos lahat ng makasalubong mong tao ay may nakasalaksak na headphones sa tainga kasabay ang pagindak ng mga paa, paggalaw ng ulo at pag-isnap ng mga daliri. Masasabing may malaking naitulong ang musika sa pag-unti ng mga kabataang nagdrodroga dahil imbes na magdroga ay nabaling ang atensyon sa musika. Pero dahil sa mga naimbentong Ipod at Mp3 ay nalugi naman ang mga kompanya ng mga CD at Kasette. Dahil nga sa na dadawnlowd lang ang mga kanta gamit ang internet ay masbumababa ang kita ng mga tindahan ng CD at Kasettes at nagdudulot sa pagsasarado ng mga ito. Libre kasi kung galing lang sa internet at menos gastos pa sa pamasahe ang pagpunta sa mga mall. Isang pruweba dito ay ang kompanya ng Radio City, isa itong tindahan ng mga musika sa Tape at CD, na nagsarado na dahil natalo na sila ng internet.

Mabenta sa ating mga Pinoy ang Pelikula dahil sa nakasanayan na ito. Tuwing Linggo madalas tayong pumunta sa mga mall at kasabay na dito ang panunuod ng sine. Isa rin kasi itong anyo ng libangan. Di maiila ang patuloy na pag dami ng mga pelikulang ginagawa di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Noon ay uso ang mga plaza at maliit na sinehan, na kahit sa Lunsod ay may maaninag ka. Pero ngayon, wala na ito dahil sa lumalawak na tulong internet. Madali na lang idawnlowd ang mga ito at pinagmumulan ng paglaganap ng mga piratang DVD. Marami na ring naluluging mga Kompanya ng DVD, Tape at VCD, isa na rito ang Video City, na isang rentahan ng mga Tape, VCD at DVD, na ngayong nawawala na sa industriya ng bisnes.

Sino bang gustong maging panget? Lahat tayo ay nagaasam ng perpektong hugis ng pangangatawan at maala-diyosang mga mukha. At ngayon wala na tayong dapat ika problema dahil sa tulong ng teknolohiya. Kasama na dyan ang internet, marami ng nakukuhang programa sa internet na pede na ding idawnlowd gaya ng Adobe Photoshop na kayang retokahin ang inyong mga mukha. Isang kurap lang, merong kanang mala-artistahing pagmumukha. Malaki ang naging epekto ang internet para makumbinsi ang mga tao na magparetoke gaya na lamang nga mga adbertisment dito. Marami ka na ding makikitang mga tips sa internet para mas mapaganda ang inyo pang labas na anyo. Kaya ring tayong baguhin ng internet at ang ating pananaw sa kagandahan.

Ang aklatan ay nagsisilbing ugat ng kaalaman dahil sa mga libro, journal, mga sulatin, dyaryo, tesis at iba pang mga sors ng pagkatuto ng tao. Halos lahat ng kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas ay may aklatan, di na mahalaga kung maliit o malaki basta’t nagagamit ng istudyante para makakuha ng impormasyong kanilang kinakailangan. Pero sinong magaakalang may tatapat sa aklatan pagdating sa pagbibigay ng impormasyon. Yan na nga ang internet na karaniwang ng ginagamit ng mga mag-aaral para makakuha ng impormasyong di tiyak ang validasyon. Wala na nga daw oras ang mga kabataan para pumunta sa aklatan at maghanap ng ispesipik na libro sa isang damakmak na mga aklat. Katamaran ang dulot ng internet sa mga istudyante, kaya nga may tinatawag tayo ngayong “copy, paste system”. Basta’t may ipasa lamang na takda ay tapos na ang problema, di na ngayon mahalagang basahin ang sulatin kinopya at dulot nito ang pagpigil na makapagbigay ng bagong impormasyon sa lawak ng kaalaman ng tao. Binago na ang ugali ng kabataan ngayon ng internet, umaasa na lang tayo sa internet pag dating takdang aralin at mas bumababa ang ranggo ng tao kesa sa internet pagdating sa kaalaman dahil mas marami ng alam ang internet kesa sa tao.

Marami ang naghihirap dahil sa kawalan ng trabaho ng tao. Habang tumatagal ay marami ng nawawalan ng trabaho dahil sa paglaganap ng mga makinarya at mga robots. Napapalitan na tayo ng mga ito dahil sa mas pinabilis na serbisyo at murang sweldo. Di lang mga makinarya ang kayang pumalit sa trabaho ng tao pati na rin ang internet. Gaya na lang ng taga dala ng sulat, dahil nga may elektronik-mail o e-mail na ngayon ay di na gaanong tinatangkilik ang mga taga dala ng sulat. Dahil sa internet at iba pang mga makinirya ay unti-unti na tayong natataasan ng internet hindi lamang sa kaalaman pati na rin sa trabaho na kayang gawin ng tao. Mas pinapaboran ang mga ito kesa sa tao, mas nawawalan ng halaga ang tao.

Mahilig lumabas ang mga Pilipino, punta dito, punta doon. Walang sawa sa paglibot. Hanga’t may pera’y lalakbayin ang karagatan at kalangitan para lang makapunta sa nais bisitahin. Ngayon pati ang transportasyon ay unti-unti naring nasasakop ng internet. Ang mga pagpapareserb ng mga takdang araw ng paglipad ng eroplano at paglaon ng mga barko sa karagatan ay pede na rin sa internet. Pati narin ang pagkuha ng ticket di lamang sa mga eroplano at barko pati na rin sa mga bus. Hindi lang din sa transportasyon pati na rin sa pagpapareserb ng hotel, mga resorts, mga bar at clubs pati na rin ang panunuod ng mga laro gaya ng basketball. Kontrolado na ng internet ang buong araw mo ng paglalakbay. Lahat ay madali ng makuha, katamaran ang dulot nito at pandurugas, dahil yung iba ay pumila ng matagal para lang makakuha ng ticket tapos yung iba ay sa internet, pati ang pagbabayad ay sa internet na din.

Sa larangan ng medisina, madaming natutuklasan na mga bagong gamot para sa mga di pa nabibigyang solusyong mga sakit. Laging nagbibigay ng mga reseta ang mga doktor at kelangan komunsulta tuwing isang buwan. Pero dahil sa dulot ng internet sa atin ay mas madali ng komunsulta sa doktor. I-type mo lang ang iyong sakit sa internet at tiyak ay may mga lalabas na mga kasagutan sa iyong tanung. Maaring nagsasabi ng mga tips at kelangang gawin para maiwasan ang mga sintomas ng isang sakit kahit na di pa sigurado ang valididad ng mga ito, na minsan ay nagreresulta sa maling magkakakaunawa sa kasakitan. Ang internet ay nagbibigay ng mga maling impormasyon kaya’t kelangan pa rin nating alamin ang awtoridad. Wag basta mag titiwala sa kakayahan ng internet dahil minsan ay nagdudulot ito sa maling pagkakaintindi sa sakit at maaaring mas lalong lumala ito.

Nakaligtas tayo sa pananakop ng mga Español, Amerikano at Hapones, pero magawa kaya nating makaligtas sa pananakop ng taong metal sa mundo? Hindi ba tayo rin ang gumagawa ng ikawawala ng lahi ng tao dahil sa inimbento nating mga teknolohiya? Patuloy na tayong nahuhulog sa patibong ng Internet: Nababago nito ang ating pananaw, ugali at kaalaman, nakakaya nitong pabagsakin ang mga makakapangyarihang kompanya, nagagawa nitong palitan ang tao sa trabaho at nakokontrol na ang buhay ng tao. Hindi ito imposibleng mangyari dahil ang tao ay naghahanap ng paraan para mas mapadali ang buhay natin pero nagiging kabaliktaran ang nangyayari dito at ito ang hindi natin nakikita at napupuna dahil mas ginusto natin ang kaginhawaan, ang karanyaan at kapangyarihan na magdudulot sa pagbagsak ng tao. Sana ay gumising tayo sa ating mga bangungot, paano na lang kung panaginip ito at bumalik tayo sa nakaraan? pano ka mabubuhay ng wala itong mga teknolohiya ng kahit isang araw? Kung mangyari man ito, patuloy mo pa bang tatangkilikin ang paggamit ng Internet?


~ Thursday, January 28, 2010 0 Reactions