Pangalawang Pasko
Sunday, April 4, 2010
~

Easter Sunday ang karaniwang tawag dito, ito ang pangalawang pasko, dahil ito ang pangalawang beses ng nabuhay si Kristo, ang una'y ay nuong December 25, samantalang ang Easter Sunday ay walang tumpak na kaarawan o petsa, kung ating mapapansin. Hindi ito panahon ng mga itlog na may iba't ibang kulay o panahon ng mga kuneho, madalas kasi ito ang ating nakikita tuwing Easter Sunday at hindi ang totoong kahulugan kung bakit tayo nagdiriwang ng gaitong kaarawan. Ang talagang dapat nating ipagsaya ay ang pagkabuhay ni Hesus na sadyang namatay sa krus dahil sa ating mga kasalanan.
Bakit nga ba Easter Sunday ang tawag dito? ito ba ay direksyon? Pede bang Wester Sunday? Syempre hindi, sa katotohanan ay walang koneksyon ito sa direksyon. Ito ay nanggaling sa isang salitang Norsemen na pinaniniwalaan ng mga naglagda na ang ibig sabihin ay Eostur o Eastar o Ostar na ang ibig sabihin sa Ingles ay "season of growing sun" o "season of new birth". Ang iba naman ay naniniwala na galing ito sa isang dyosa nagngangalang Eastre na sinisumbolo ang "hare"- parang isang pinalaking kuneho na may mahabang tenga at mabilis tumakbo. Kaya pala madalas ay kuneho ang ating nakikita sa mga patalastas kapag ginugunita ang Easter Sunday.
Naghirap si Hesus para lang mailigtas tayo sa ating mga kasalanan, kung iyong papansinin ang ating Panginoon lamang ang may mukhang naghihirap, may mukhang duguan at ang kaisa-isang panginoon na nagkatawang tao, ikumpara mo pa sa mga diyos at diyos-diyosan ng iba na laging mukhang mayaman, malinis at may iba-ibang itsura. Tayo lang ang panginoon na nagkatawang tao para malaman niya ang ating nararamdaman kung tayo ay nalulungkot, natutuwa o natatakot, kaya wala tayong karapatan na sabihan siya na hindi niya nararamdaman ang ating dinaranas tuwing may problema tayo, dahil siya ay naging tao rin tulad naten. May isang istorya akong natatandaan noong nakinig ako ng pitong huling salita ng Panginoon nung siya ay nasa krus, Ang title nito sa ingles ay "Foots in the Sand": Nuong masasaya nating araw kasama natin si Hesus at habang naglalakad tayo sa tabing-dagat napansin ko na may dalawang pares ng paa sa buhangin, isa sa iyo at isa kay Hesus, pero nuong sa mga malulungkot kong araw napansin kong nawala ang isang pares ng paa sa buhangin, nangamba ako at nagalit sa Panginoon at hinayaw " Bakit sa mga panahon na problemado ako at kinakailangan kita wala ka sa tabi ko?!" at ang sagot ni Hesus ay "Hindi kita iniwan, sa katunayan ay buhat kita tuwing ikaw ay may problema". Simula nung narinig ko ito, parang ang hirap na muling magreklamo sa panginoon dahil lahat ay napagdaanan na niya at tuwing may masamang nangyayari sa atin lagi nating tatandaan na nandyan si Hesus sa tabi natin at akay-akay tayo para mapagpatuloy sa ating buhay, kung siya kinaya, sigurado kaya rin natin.
Kaya ngayong Easter Sunday, sana gunitahin natin at ipagdiwang natin na may Diyos tayong nabuhay at namatay ng para sa atin, namatay siya para iligtas tayo sa ating mga kasalanan at nabuhay siya para di tayo pabayaan at patuloy na akayin hindi lamang sa mga panahon na tayo'y problemado kundi kahit sa mga panahong di natin nararamdaman na hindi natin siya kailangan.
0 Reactions:
Post a Comment