Tiwala



Hindi mo makukuha ang karanyaan sa isang araw, kaya wag kang mabalisa kung nagkamali ka ngayon. Lahat ay may tamang oras, lahat ay meron tamang kinalalagyan. Baka ngayon hindi mo oras, kaya wag mo isasarado ang pagkakataon para bukas. Matuto ka sa bawat pag kakamali mo, wag kang susuko, yung ang paraan para ang isang tao ay magtagumpay, matuto sa pagkakamali, dahan-dahanin ang paglalakbay dahil hindi minamadali ang buhay. Tandaan mo ang pinakamasaya laging parte ng buhay ay yung papunta sa karanyaan, gaya lang ng isang field trip, ang pinaka masayang parte ay yung sa bus, yung papunta sa isang destinasyon. Kasi doon ka excited sa isang bagay, doon ka pedeng maging masaya, doon ka pedeng malungkot, doon ka pedeng magkamali, doon ka pedeng bumangon ulit at hindi mo yun magagawa kapag nasa taas ka na kasi pag nandoon ka na walang lugar sa pagkakamali kasi dapat noong papunta ka pa lang ay natuto ka na, nakapagbaon ka at naituwid mo na ang mga baluktot na daan. Kaya hangga't wala ka pa sa tugatog na iyong buhay dapat ay i-enjoy mo lang ang bawat pagkakataon. 

Lagi kong sinasabi sa sarili iyan. Kahit na alam ko na sa sarili ko na hindi ko kayang maasam ang isang bagay lalo na kung ang tingin sayo ng tao ay mababa. Lalo na kung maraming beses ka ng napagsaraduhan ng pinto sa gusto mong paglalakbay sa buhay. Oo nga marami ngang mga iba pang pinto, marami pang iba oppurtunidad ang naghihintay sayo, pero bawat pagsarado ng pinto sa iyong pangarap ay may napupunit ng kaunti sa pride mo, sa pagkatao mo, mahirap kayang hindi matanggap sa isang bagay na inaasam-asam mo. Lalo na kung yung mga taong sa paligid mo ay walang tiwala sayo, dagdag pasakit pa.

Minsan itatanong mo na lang sa sarili mo eh, ito ba ang tamang landas na nilalakbay ko? Kung hindi eh paano ako makakalabas sa problemang ito? May solusyon ba ang problema ko? Meron bang mas magandang destinasyon ang naghihintay sa akin sa mga susunod na araw? Ang sagot ay laging ewan, baka, siguro, laging walang kasiguraduhan ang bukas. Kaya siguro ay tiwala na lang, baka nga may iba pang plano sayo ang Panginoon. Kahit nakakapagod ng mabuhay sa isang araw, kelangan tumayo kahit parang may dala-dala kang sako ng bigas sa likod mo, kahit na parang may tingga ang mga sapatos mo, kahit na puro bubog ang dinadaanan mo, eh kelangan konti tiis lang. “Kaya to, kaya natin to” Sabi nga nila ay TIWALA. Tiwala sa sarili, tiwala sa Panginoon, Tiwala sa magandang bukas.

Alam kong nakakapagod din minsan mag-tiwala, kasi minsan yung inaasam mo ay hindi pala para sayo, mapa-trabaho yan, mapa-pagibig, mapa-pera o kung ano pang mga problema na pede mong problemahin. Sa huli, lalabas pa rin ang salitang “Tiwala” sabi nga sa isang librong nabasa ko eh, kahit na madilim at matarik na ang iyong dinadaanan sa buhay, mawala na lahat sayo wag lang ang pag-asa, wag lang ang tiwala. Kasi pagnawala sayo ang tiwala, lahat ay mawawala na.  Tandaan mo na nasa salitang tiwala ang salitang “wala”, umaasa kahit naman wala, kahit naman papaano ay sinubukan mong magtiwala kahit sa huli ay walang mapapala. Gayunpaman, alam ko at alam mo, na binigay mo naman lahat ng makakaya mo, na binuhos mo na lahat ng magagawa mo, yun naman ang importante eh na hindi ka sumuko, gaya nga ng sinabi ko para lang yang field trip i-enjoy mo muna ang papunta sa destinasyon at sa huli maabot mo rin ang pangarap mo kelangan lang ng “Tiwala”


(Image from: http://browse.deviantart.com/digitalart/vector/?q=street+lights#/d164wlk)

~ Wednesday, January 9, 2013 0 Reactions

Halintulad




Madalas sinusubaybayan ng taong bayan ang mga teleserye or telanobela tuwing gabi. Minsan nagiging habit na ng Pinoy ang panunuod nito, parang kasama na ito sa kanilang pang araw-araw na routine. Syempre mapabata o mapatanda, talagang pinapanuod at nakahihiligan ang mga ganitong panuorin. Mapa-Drama, Action o Comedy man ang istorya talagang susubaybayan nila ito. Sabi nga nila tangkilikin ang sariling atin kahit na ang mga effects ay walang kwenta.

Sabi ng iba sumasalamin daw ang mga ito sa ating Buhay o sa realidad. Pero sa mga pinapakita ba nila sa telebisyon ay sadyang pang katotohanan o sadyang pang drama lamang. Depende naman sa tao yun eh, depende sa istatus mo. Para sa akin, hindi ito sinasalamin ang totoong buhay dahil mayroong di kapanipaniwalang nangyayari sa telebisyon sa nangyayari sa katotohanan. Dahil iba na nga ngayon.

Tulad na lang ng Pag Bida kelangan mabait ka, nagpapaalipin, inaalipusta, sinasampal, pinapahiya, hindi magaling mag ingles at higit sa lahat mahirap! Pero pag kontrabida ka syempre ikaw yung tipong mayaman, magaling sa ingles, maninira, mamamatay at syempre ang mga damit mo laging dark colors: Red and Black. Pero tignan mo mga taong mababait: lahat ba sila mahirap? bobo? inaalipusta? syempre hindi ito totoo sa realidad. Tapos pag Kontrabida ka ibig sabihin mayaman ka? magaling mag ingles? at sosyalera? well hindi na ngayon. Subukan mo mag ganyan sa tunay na buhay baka indi ka makatagal dahil mawawalan ka ng kaibigan.

Tapos sa mga drama shows, Nasa Bahay ka lang, nakasuot ka pa ng gown, naka heels, todo ang makeup, todo ang mga alahas, kelangan kumikinang ang mga damit. Pero kung titignan mo sa realidad, hindi ito ang katunayang nangyayari. Siguro mga sosyal lang. haha. Imagine mo ang mami mo naka gown sa bahay naka heels at daddy mo naka coat and tie at mga kapatid mo as in todo porma. Diba ang weird? ahaha kaya di totoong sinasalamin ng mga ito ang totoong buhay.

Hindi naman pede maging happy ending lagi ang buhay mo. Ambisyosa ka kung ganun. Di katulad ng mga drama shows lagi na lang happy endings. Mas maganda sana kung may makitang koneksyon ang mga pinapanuod natin sa tunay na buhay. Sana kapanipaniwala ito.

(Picture: http://browse.deviantart.com/digitalart/vector/?qh=&section=&q=gown#/d2haf9y)

~ Friday, September 28, 2012 2 Reactions

Si Garret



Ako nga pala si Garret. Maliit lang naman ako, maputi ang kutis pero kayumangi ang kulay ng ilang parte ng katawan ko, yun yung mga nabilad sa araw, kung baga eh tanline, taong kalye ako eh. Sabi ng iba medyo may itsura ako at matipuno. Kaya nga sabi nila mukhang anak mayaman ako. Ang di nila alam ay di ko kilala sarili kong mga magulang, apon lang ako, nakita lang daw ako na pagala-gala sa kalye nung tatlong taong gulang ako ayon sa mga tinuturing kong magulang. Sampo kaming magkakapatid lahat kami ay ampon, ang iba ay napulot sa kalye katulad ko, ang iba naman ay bigay, ayos diba? Binibigay na ang mga anak ngayon. Kahit na ganoon ay patuloy kaming kumakayod para sa aming mga tinutoring na magulang. Magkasing idad lang kami lahat halos ng mga kapatid ko, kaya nga close kami lahat. Siksikan man kami sa isang bahay, ayos lang dahil masaya naman kami. Nakatira kami sa isang maliit ng barangay halos eskinita na nga yun, marami rin kasing mga kalokohan mga tao dito, alam mo na skwaters area kasi.

Nagtatrabaho nga pala ako sa isang club dito sa tondo, dancer ako, ano pa nga ba. Malboro, ang pangalan ng club na pinagsasayawan ko. Ayoko talaga ng ganitong trabaho kaso walang mapagpipilian. Kaya palipat-lipat ako ng club, dati sa Philips, noon sa Hope's club. Mura lang ang bayad sa akin ng aking mga customers para sayawan at minsan makausap. Pero madalas gusto lang nila ng taong kasangga pag may problema sa buhay, gusto lang ng may mapagbuhusan ba ng sama ng loob o minsan pampatanggal stress lang. Panandaliang ligaya lang naman ang bigay ko. Pero pagkatapos noon, wala na. Lahat na ata ng klase ng tao nakilala ko sa trabaho eh, mapalalaki, babae, bakla, tomboy, mayaman, mahirap, matanda at bata.

Minsan lang makakatagpo ka ng addict na customer, yung pabalik-balik kahit na paubos na pera, punta parin siya. Medyo marami rin nagkakasakit sa pagpunta dito sa club, paano kalapit namin ang isang kanal na pinagbabagsakan ng mga kemikal galing sa mga pabrika na nakapalibot dito sa may amin. At siya nga pala, may sakit din ako, nakakahawa nga siya, alam mo na yun! At alam din naman yun ng mga customer ko. Halos lahat kaming mananayaw ay may nakakahawang sakit, mapababae o lalaki, dito na namin ito nakuha. Pero dedma lang tuloy parin sa pagtratrabaho, kelangan kumayod, kelangan ng pera eh. Gayon pa man eh tuloy pa rin ang pagdagsa ng costumers. Parang wala lang yung mga sakit na pede nilang makuha samin, parang okay lang sa kanila. Di ba nila naisip na may iba pang taong nagmamahal sa kanila, di ba nila naisip yung pamilya nila o yung mga anak nila? Ako pa talaga itong may paki sa buhay nila. Hay kung ako nga tong may sakit ay makakawala sa sumpang to o kung may lunas man ay ititigil ko natong trabahong pinasok ko at tuluyang iiwanan ang dati kong buhay. Kaso sira na eh, wala ng pagasang maayos, may taning na lahat ng buhay namin, as in lahat kaming mga mananayaw dito sa club. Nakakatuwa nga kasi talagang panandaliang ligaya lang ang aming mabibigay kasi talang saglit lang tong buhay namin.

Medyo nawalan na rin ako ng paki sa sarili ko lalo na at alam ko na sira na to. Nawalan na din ako ng paki sa iba, lalo na at alam kong alam nila na may nakakahawa akong sakit, na sa akin ito nang gagaling, na napapasa ko ito sa kanila, sa madaling salita ako ang dahilan pero wala silang pakialam. Lalo akong naging bato, wala ng pakiramdam. Sabi rin naman ng iilang kong customer na "life is short" so mabuti pa eh magpakasaya na lang kasi dadating naman daw tayo sa punto na mamamatay tayo, o kung oras mo na edi oras mo na!

Ngayon para biglang sikat ng mga clubs , biglang daming costumers. Para bang ina-advertise kami, kala mo legal eh, kahit masama sige lang. Siguro yung iba ni rerefer lang kami sa mga kaibigan kung baga second hand information ba. Yung iba naman naririnig lang nila sa mga kwentuhan sa kanto na ayos daw tong club na to kaya patuloy ang dagsa ng tao. Buti na lang yung iba nakokontento na sa tingin at sa konti hawak lang sayo. Parang patikim lang nga ang dating o pa-try lang, kadalasan ito yung mga first timer eh. Minsan pag nagustuhan nila ang unang subok ay tsak na babalik sila, pero  minsan yung iba peer pressure lang at yung iba sa unang sabak ay umaayaw na dahil di daw nila trip, kaya eto yung mga taong tinitingala ko eh dahil may paki sa kanilang sarili, kung baga eh na curious lang o sinubukan lang, sa huli sila yung mga di nahahawa samin, di sila nakakakuha ng sakit samin.

Pero marami ring may ayaw sa mgakatulad namin alam mo na eh, halos ikalat namin ang sakit namin. Marami na kasi ang nagkakasakit, ganoon eh pasa-pasa, pag nakuha mo na ay pedeng mapasa ang sakit. Kaya nga ngayon ay maraming kumakalat na babala sa pag gamit sa aming mga dancers, sa pagrenta sa amin, sa pagpunta sa mga clubs. Mga nilalathala ng mga nakapaskil na babala na kumunsulta kaagad sa doktor pag may naramdaman na na sintomas, para maiwasan ang paglala, may mga seminars pa nga ang naipapasatupad eh pati batas, para lang maparating sa masa na masama ang aming naiidulot sa publiko at masama ang mga makukuhang sakit samin. Grabe diba nakakasakit sa puso, para kaming ketong napilit na dapat layuan. Pero di naman kami matuligsa kasi wala naman silang magagawa eh kahit nakahalal na ay minsan nagiging customer pa namin. Kaya mahina talaga na matigil ito, nasa tao na lang mismo kung ayaw niya o gugustuhin niya.

Naglipas ang isang taon, halos maubos na ang aming mga customers, malay ko ba kung bakit, baka umipekto ang mga simpleng babala na nakapaskil sa mga pampublikong lugar. Nagkamali ako dahil isang araw nagtext sakin ang isa kung customer na di na daw siya pupunta kasi may nakita na daw siya na mas maganda, aba eh sakin daw ba sabihin? Pero na curious din ako kaya nagtanong ako, at ito ang nakalap ko. Alam mo na may mga bagong teknolohiya na yung nasa kamay mo na ay makakamtam mo na ang kaligayahan, parang ganoon lang din daw ang pakiramdam pati ang satisfaction na nakukuha nila ay parehas lang at higit sa lahat walang sakit silang maaaring makuha.  Ayos talaga mga bagong gadgets ngayon halos virtual na ah. Sa huli mas okay to sa akin, at least wala na masyado nahahawa sakin. Pero may iba pa rin na gusto ang aming serbisyo, ito yung patuloy na tumatangkilik samin, kaya ayun nakaladlad parin kami sa masa, binebenta pa rin ang aming mga katawan sa publiko. Tuloy parin ang buhay sa mga katulad ko. Pero dahil tutol pa rin ako sa ginagawa ko at dahil wala naman akong magagawa sa buhay ko para baguhin eto, gumawa na lang ako ng motto ko sa buhay, nakakatawa pero ewan, naisip ko lang

"Si Garret is bad for your health"

Picture: http://browse.deviantart.com/digitalart/vector/?q=man+smoking#/d1187lu



~ Saturday, September 22, 2012 0 Reactions

Ari-Arian



Pagkapanganak sayo sa mundo ay pinapangalanan ka ng magulang mo at dala-dala mo na yun hangang sa lumaki ka, nakapagasawa at nagkaanak.  Hagang sa pinasa-pasa na ang iyong apelyedo sa mga susunod na  henerasyon. Yan ang gusto ng matatanda eh ang mapanatili ang kanilang  apelyedo sa mundo, minsan pa nga ay para makilala ang pamilya mo o  para sumikat ang pangalan mo, paano pa kung talagang sikat ang angkan  niyo. Pero alam niyo ba na hindi lang sa pamamagitan ng pagbuo ng  isang pamilya naiipasa o nabubuhay o nakikilala ang ating mga pangalan  o apelyido?

May mga tao na gustong maging sikat kaya nag aartista, may mga taong  nagbuhis ng buhay nila kaya nagiging bayani, may mga tao na nageexcell  sa pampalakasan kaya napapangaralan sa bansa at may mga tao na  tumatakbo sa gobyerno para magsilbi sa mga kanyang nasasakupan. Lahat  ng ito ay malamang kilala sa kanilang bansa o lugar kung baga ay may  pangalan, sikat, celebrity, nakikita billboard, telebisyon, radyo at  iba pang pampahayagan. Nalalathala sila sa mga libro na inaaral ng mga  istudyante sa paaralan. Minsan pa nga ay may statwa o nasa pera ang  mga pangalan at mukha nito, malamang ang iba ay nasa museo pa ang  bibliograpiya nila. Sa ganitong paraan ay napapanatili nila ang  pangalan nilang buhay sa kanilang bansa dahil sa kanilang mga naidulot  na maganda para sa kanilang lugar, kapalit noon ang pang habang buhay  napagkilala sa kanila.

Pero may isang bagong paraan na patuloy kong di maintindihan kung  bakit ginagawa ng mga taong ito, ewan ko sadyang hindi ito tama dahil  ginagamit nila ang kaban ng bayan para mapanatili ang kanila pangalan  sa ating bansa. Sa papaanong paraan? Edi sa pagtayo ng mga gusali  nuong termino nila at ipapangalan ito sa kanila. Hindi kasali dito ang  mga ibang tao na sadyang binili ang istablishimentong iyon gamit ang  sarili niyang pera kaya napangalan sa kanila o kaya ay kung sila ang  gumawa noon gaya ng business (halimbawa ay ang Russel's Bank) o pede  rin na ipinangalan sa kanila ito ng gobyerno gaya ng mga lansangan o  gusali. Pero may ibang tao na tumatakbo sa gobyerno tapos lahat na  lang ata ng basketball court na pinatayo nila ay nakaukit ang kanilang  pangalan o nakapinta sa bubong. Walang kaso kung pera nila ang gamit  nila at hindi ang pera ng bayan. Meron pang mga waiting shed na may  initial ng pangalan ng nakahalal ang ginagamit na pundasyon gaya ng  may letrang "S". Hindi lang yun kasi makikita mo na rin ang pangalan  nila sa mga dinodonate nila na mga gamit sa tao gaya ng bag ng mga  magaaral na kanilang binibigay at may litrato pa nila, inspirasyon ba  ang mukha mo sa bag ng mga bata? Kulang nalang ata ay pati plastik bag  ay may pangalan nila, siguro kung kasya pa sa budget ay pagawa narin  sila ng sarili nilang statwa sa bayan na kanilang sinasakupan. Minsan  pa nga ay talo pa ang artista sa mga tarpaulin eh at billboard, bawat  okasyon na lang dapat may pagbati halimbawa ay Merry Christmas from  Mayor Batongbakal with matching Happy face pa kasama ang pamilya niya  habang naka santa hat, ganoon di pag fiesta sa bayan, o kaya ay bagong  graduate ang magaaral  lalagyan lang ng toga ang picture nila o kaya  ay New years Day na may fireworks bilang background, isama na rin  naten ang halloween o ang valentines day. Walang patawad sayang sa  budget na sana ay dinonate nalang nila sa mga nasalanta ng bagyo o  kaya ay nagpaaral ng lang sila ng bata para maging iskolar ng bayan.  Ayun lang ay baka sa ID ng bata ay nakaukit ang pangalan nila na  Iskolar ni Mayor Batongbakal #1. Wag kang matawa kasi ganyan na ngayon  ultimo mga sidewalks sa kalye ay may nakaukit na logo na ginawa nila  na may initial ng pangalan nila. Ayos diba? Sadyang hindi makatarungan  lalo na at kung ang gamit nilang pera ay ang galing sa bulsa naten,  ang kaban ng bayan, ang budget sa termino nila.

Masakit man pero totoo ganoon na sa ating bansa, marami na ang  gumagawa nito, para ipamukha sa tao na eto o kami gumawa niyan kaya  lalagyan ko yan ng pangalan namin at mananatili ito kahit matapos na  ang termino ko, kahit na mamatay na ako, pang habang buhay na  nanakaukit ang pangalan ko dyan.

"Ari-arian maliwanag ang buwan pag bilang kung tatlo pag mamay ari ko  na to Isa... Dalawa... Tatlo"

Picture from: (http://browse.deviantart.com/digitalart/vector/?qh=&section=&q=politician#/d1pvg3f)


~ Thursday, September 6, 2012 0 Reactions

Kitil


Bakit ba nagpapakamatay ang isang tao? Maraming dahilan kung bakit tinatapos nila ang sarili nilang buhay. Minsan akala mo okay sila pag kaharap mo pero sa loob nila unti-unti na sila nadudurog. Mas mahirap dalin ang isang emosyonal na sakit kesa sa pang pisikal na karamdaman, kasi nakikita mo kung anong mali, hindi katulad pag sa loob mo nararamdaman. Ano nga ba ang mali? Kaya naniniwala ako na maraming tao ang sinasaktan ang kanilang sarili para mahati ang sakit na kanilang dinadala, para mabaling yung sakit at hindi mag-focus sa loob lamang. Pero pag sobra na, minsan di mo na kaya, minsan wala ka sa tamang pagiisip, maspipiliin mong magpakamatay na lang.


Sa Divine Comedy, nilathala ni Dante ang kanyang karanasan nuong nakita niya ang impyerno, ang mga parusa daw sa mga taong nagpapakamatay ay mag anyo silang puno, ang katawan nila ay ang haligi ng puno, ang mga kamay nila ang nagsisilbing mga sanga. Tapod paulit-ulit silang kinakain ng mga higante, tapos tutubo ulit sila. Ang ekspalanasyon dito ay walang katapusang "pain" dahil tutal yun naman ang gusto nila nung nabubuhay pa sila.

Ano ba ang nararamdaman ng isang "depressed" na nilalang? Ako, naranasan ko na ang ma-depressed. Pero mahirap alamin, kasi wala namang itong istandard na sintomas, walang kasigaraduhan, lahat iba-iba ang paraan ng pagka-depress, una ay mamaramdaman mo na may mabigat sa loob, hindi mo nakikita kundi nararamdaman mo lamang at di mo masabi kung saan ng gagaling ang sakit na iyong nadarama, hindi mo alam kung saan mo makikita, kasi hindi siya eksternal na sakit. Pangalawa, hindi mo na ma-kontrol ang iyong emosyon, sadyang biglang lungkot, umiiyak ng walang dahilan, walang imik, biglang walang ganang kumain, parang ang hirap na mabuhay sa pang araw-araw, parang bawat araw ay pasakit kung baga pasan mo ang problema ng mundo, at ang masakit pa nito ay di mo alam ang dahilan. Pangatlo, sa una masgugustuhin mo mag-isa, sa isang sulok, tahimik kasi ayaw mo ng makihalubilo sa tao, pero sa huli, gusto ko na ng maingay, magulo, kasi hindi ko naiisip yung mga dapat kung isipin, nakakalimutan ko na malungkot ako, maraming istorbo, ibig sabihin mas nalilibang ka. Pang-apat, napapranning ka sa mga nangyayari, ayaw mo ganito, ayaw mo ng ganyan, kung baga naging moody ka. Minsan, kahit napaka liit lamang ng problema, or kahit hindi naman dapat pagtuunan ng pansin ay pinapalaki lalo ng utak mo, parang lalong papakomplikaduhin. Panglima, pakiramdam mo lumilipas ang bawat oras ng wala kang paki sa mundo kundi ang sarili mo, parang ikaw lang, napaka-selfish kung baga ng sakit na depression, ang mahirap kasi ikaw lang ang nakakaramdam. At huli, ayaw mo ng mabuhay, parang masgusto ko ng makita ang "unforeseen" na mga bagay kesa sa mabuhay, kasi wala ka ng pakiramdam at all, kahit may magpakita sayong multo, o tumayo ka sa tuktok ng isang gusali, na eh kahit takot ka sa mga matataas o nakakalulang lugar eh dedma lang  at lahat kaya mo ng gawin sa sarili mo, na kahit saktan mo na ang sarili mo ay manhid ka na dahil mas mabigat pa rin ang nararamdaman mo sa loob. 

Pero isa sa pinakamahirap na naranasan ko ay yung pakiramdam na mababaliw na ako, kinakausap ko sarili ko, may isang salita lamang akong sinasabi na paulit-ulit sa utak ko, na kahit ipikit mo na ang mata mo ay hindi ito titigil, para bang naka-rewind. Tapos kahit pilitin mo na iba ang isipin o gumawa ka ng ibang bagay para lang mabaling ang iyong atensyon mo doon, sa huli ay babalik ka parin sa iisang salitang binabangit mo paulit-ulit sa utak mo. Yung mga panahon na yun ang pinakamahirap para sakin, yun talaga yung mga oras na sinasaktan ko na sarili ko kasi pakiramdam ko talaga ay nasisiraan na ako ng bait. Minsan ang nagpapatulog na lang sa akin ay yung pagod ko sa pagiyak, at doon lang napapahinga yung utak ko.

Noong una pa ay ayaw mo aminin na may ganito kang nararamdaman kasi ayaw mo ng mag-explain pa kung bakit ka ganto, para bang walang nakakaintindi sayo kundi ikaw lamang. Masyadong seryoso ang topic na to kasi marami na ang biktima. Maspinipili na tapusin na ang kahirapan sa isang kisap mata kesa humingi ng tulong sa mga eksperto. Sa Pilipinas kasi pag kumusulta ka sa isang psychiatrist, mapapasama pa ang tingin sayo ng mga tao at huhusgahan ka na agad na may sira sa ulo o kaya ay baliw, hindi katulad sa ibang bansa na okay lamang. O minsan ayaw mo lumapit sa kanila, kasi baka sabihin nila na, wala yan, nararamdaman mo lang yan ngayon, wala kang depression, arte lang yan o kaya ay nagpapapansin ka lang. 

Mahirap ang umabot sa punto na gusto mo ng saktan ang sarili mo, kasi para kang sinasapian eh, wala ka ng muang sa ginagawa mo, parang hindi ikaw, parang may nagkokontrol sayo na gawin mo to, kasi ayaw mo, sadyang mahirap na. Pero ako nung subukan ko, hindi ko naman intensyon ang magpakamatay, gusto ko lang makaramdam ulit, gusto ko lang na maramdaman na may nararamdaman pa ako. Gets? Babangitin ko na dito yung isang beses na sinubukan ko, minsan nakaupo ako sa banyo, sa harap inuupuan ko ay may magazine stand, at nandoon nakalagay ang isang "pedicure kit", nakita ko ang isang bagay na may patulis sa dulo, di ko alam kung file ba tawag doon or pusher, basta metal siya. Kinuha ko to at sinubukang isak-sak sa kanan kong hita, sinubukan kong itusok ito, pero natauhan  ako nung malapit ng masugat yung hita ko kasi dito naramdaman ko na may "pain". Ang "weird" pero naginhawaan ako sa ginawa ko.

Sa huli, mas napalapit pa ako sa Diyos kasi, dito mo siya kailangan eh. Dito, siya lang makakaintindi sayo, siya lang yung makakaramdam ng dinaranas mo, kahit gusto mo ng matapos lahat, siya yung andyan para gabayan ka, para bigyan ka ng lakas, kung baga last push, isang pang "try". 

~ Tuesday, July 17, 2012 0 Reactions

Daan sa Kayamanan


Nakapulot ka na ba ng barya sa daan? Pinulot mo ba to o sadyang hinayaan? Wag ka! Baka kainin yan ng lupa, sayang lang, dahil di natin alam may kayamanan sa ilalim ng daanan. Pero di natin to makukuha sadyang mga politiko lamang. Bakit? Basta!

Kung sa ibang bansa, proyekto ng gobyerno at lokal na pamahalaan ang pagandahin ang mga daanan, highways, skyway at kahit ano pang way yan. At hindi ka naman magdududa, maganda naman ang kinakalabasan. Pero sa bansa natin bakit ang isang maayos na daanan, ay paulit-ulit na inaayos, at wala naman ng dapat ayusin, laging road widening, para daw iwas trapik? Sa totoo lang di naman lahat ng daan sa Pilipinas ay paulit-ulit inaayos, may mga maganda ring kinakalabasan, pero bakit yung iba inaabot ng linggo, buwan at taon bago maayos, lalo tuloy nagkakaroon ng trapik.

Nakakapagtaka tuloy minsan, sadya bang sinisira ang daan na maayos para lang magkaroon ng proyekto at pede rin silang makakurakot dito. Marami namang dapat ipaayos, pedeng maglagay ng overpass, ipaayos ang sirang mga klasrum sa isang pang publikong paaralan o kaya ayusin nila ang mga ospital na sira-sira na. 

Kaya sa susunod na makakita ka ng barya sa daaan, pulutin mo na lang at ibigay sa mga namamalimos, nakatulong ka pa, kasi baka mamaya paglingon mo kinain na rin yan ng lupa, patungo sa bulsa ng mga politiko ng bansa.


~ Monday, June 25, 2012 0 Reactions

Religion Wars

Maraming nagsasabi na sila ang "Totoong Relihiyon" o na sila ang "Tamang Relihiyon", sa huli ang kinakalabasan ay binababa mo lamang ang iba pang mga paniniwala ng tao dahil sinasabi mo sa kanila na mali ang kanilang pinaniniwalaan Panginoon at tama ang sayo. Dito nagkakaroon ng gulo ang bawat Relihiyon, pagsinimulang makialam ng ibang relihiyon sa mga pananaw at paniniwala ng iba. Na imbes na irespeto mo na lang ang kanilang paniniwala at wag na lamang makialam at tignan ang kanilang mga tradisyon, pananaw at turo ng kanilang mga ninuno, mas mabuti pa siguro na tignan na lang natin ang ating sarili, ituwid ang sariling kamalian at wag ng punahin ang gawain ng iba.

Tama ba na pandirian ko sila o i-discriminate ko sila base sa kanilang relihiyon at paniniwala sa buhay? Sa totoo lang nangyayari to. Lalo na kung ang dominanteng relihiyon ng isang bansa halimbawa ay Katolika tulad dito sa Pilipinas, marahil minsan sa araw-araw kong pagkokomyut ay napapansin ko na pag may mga muslin sa isang bus, may ilang mga tao na di sila tinatabihan, dahil sa Pilipinas, ang nosyon sa kanila o ang katumbas marahil ng isang pagiging Muslim ay terrorista. Alam ko na ganoon din ang nangyayari sa ibang bansa na kung saan ang mga dominanteng relihiyon ay Muslim.

Para sa akin, walang tamang relihiyon, walang masmagaling manalangin, walang mas may naka tataas na Panginoon, dahil sa aking paniniwala ay iisa lamang ang nakakataas sa atin, maaaring si God yan, si Allah, Buddha o Shiva marahil iba-iba sila ng itsura, pananamit at pinangalingan, pero para sa akin lahat sila ay ang totoong Panginoon, nagiiba lamang ng itsura. Lagi kong iniisip na ang Relihiyon ay isang pagsubok sa atin ni God sa mundo, kung irerespeto ba natin ang pinaniniwalaan ng iba o itatakwil natin sila o i-discriminate at i-outcast sa isang komunidad o pandidirian. Sa akin lang, lahat naman tayo may kanya-kanyang pinaniniwalaan sa buhay, pero hindi nagiging kahulugan ng isang tao ang kanyang relihiyon, hindi porket ganto ang kanyang relihiyon ay katulad na rin siya ng ibang nakagawa ng mali sa kanila relihiyon.

Lahat naman tayo nakuha ang ating relihiyon sa ating mga magulang, kung ano ang ipinamulat nila sa atin noong bata pa tayo, malamang doon tayo susunod, kung Katoliko ang mga magulang mo malamang naging Katoliko ka rin, kung Muslim sila, ganoon ka rin. Pero minsan nakikita ng isang tao ang kanyang relihiyon pagnagka-isip na siya, may mga taong nagpapa-convert kasi doon nila mas nararamdaman ang kung baga "holiness ni God or yung presensya niya".

Sa huli, tayo pa rin naman ang magdadala sa ating sarili sa totoong relihiyon, at para sa akin ang totoong relihiyon ay hindi base sa iyong nakalakihan, hindi dahil yun yung sinabi sa amin ng mga nakakatanda na ito ang tama kundi ang totoong relihiyon ay kung saan mo mas nararamdaman ang Panginoon o kung sino man ang iyong pinaniniwalaan at higit sa lahat, marunong kang rumespeto sa iba tao lalo na sa kanilang paniniwala sa buhay.

Image: http://browse.deviantart.com/digitalart/vector/?q=religion#/d1orfzr

~ Sunday, November 6, 2011 0 Reactions

Simpleng Nakaw

http://browse.deviantart.com/digitalart/?qh=&section=&q=barya#/drbbha

Naranasan mo na bang manakawan ng pera? o kaya mahold-up sa kalsada o sa isang madilim na eskenita? Araw-araw, isa sa mga pinagdadasal ng mga tao ay sana ay wag silang mawalan ng pera, manakawan ng cellphone o mga importanteng bagay na bitbit-bitbit sa pang araw-araw. Pero sa hirap ng buhay, wala na tayong magagawa kapag nasulsihan tayo o mapalad na mapiling madukutan sa dinami-dami ng pedeng makuhanan. Minsan di natin napapansin na nawalan na pala tayo kasi masyado tayong nakatutok sa isang bagay, pero minsan din naman ay alam na natin na ninanakawan na tayo pero wala tayong magawa.

Ikaw? Narinig mo na ba ang mga salitang simpleng manyak o simple tingin? Eh ang Simple Nakaw? Malamang ay hindi pa, pero alam ko lahat na tayo ay naging biktima na ng simple nakaw, sigurado ako, walang duda, nabiktima ka na nito. Masasabi kong ito ang nauusong paraan ng pagnanakaw ngayon, hindi man direktang pagnanakaw pero masasabi na palihim na pagnanakaw. Ang simple nakaw ay masasabi kong isang uri ng pagnanakaw na ginagawa ng isang may kaya sa buhay maari pa nga na isang kompanya o milyonaro ngunit hindi ng isang pulubi o hikahos na mamayanan ng bansa. Iba ang korapsyon sa simple nakaw, kasi ang karaniwang pangungurakot ay nagkakahalaga ng malalaking halaga ng pera, mula sa isang daan hanggang milyon pero ang simpleng nakaw ay masasabi kong maliit na halaga ng pera, mga sentimo o piso.

Ang simple nakaw ay laganap, marami akong naranasan na ganitong uri ng masasabi kong pagnanakaw. Malamang naka punta ka na sa isang convenient store, grocery at department store sa mga sikat na pasyalan, bumili ng isang mamahaling damit o kaya ay isang pirasong bote ng inumin, tapos kapag magbabayad ka ay sasabihin nila na wala silang barya o panukli, maaring eto ang kanilang sasabihin "Sir/Mam pwede po bang kendi na lang o bubble gum ang isukli ko sa inyo kasi wala akong barya" o kaya naman ay " Pwede po bang kulang ako ng 25 sentimos o 50 sentimos?" Syempre papayag ka kasi maliit na bagay lang naman ito, pero kung titignan mo pag pinasama-sama mo ang bilang ng mga taong pumayag na kendi na lang ang sukli at pumayag na kulang ng 25 at 50 sentimo ang kanilang sukli pwedeng umabot yun ng isang libo kada araw o ang masama mas higit pa.

Para mo na ring tinuruan mandaya ang mga bata o magnakaw, para mo na ring sinabing pwede bang kendi na lang din ang bayad ko sa binili kong t-shirt kasi kulang din ako ng barya o pwede kulang ako ng 75 sentimo sa bayad ko kasi wala ako noon, malamang pag tayo ang gumawa noon hindi sila papayag kasi mautak sila.

Alam naman natin na ang simple piso o sentimo sa panahon ngayon ay malaking halaga na at hindi biro ang maghanap buhay, bawat piso at sentimo ay mahalaga, kaya dapat wag tayong pumayag na kulang ang sukli natin, tandaan mo na pinaghirapan mo yang perang yan o pinaghirapan yan ng mga magulang mo. Kahit sabihing mong maliit na bagay lang yan, may mga panahon na kakailanganin mo rin yan.

~ Sunday, September 25, 2011 0 Reactions

Bicepstrophy at Tricepstrophy



Nauuso na ngayon ang pagpapalaki ng katawan o pagpunta ng mga tao sa gym dahil nagiging trend na ang "healthy lifestyle", ang pagkain ng wasto at ang pagiging maaasiwain ng mga kalalakihan at kababaihan sa panglabas na kaanyuan, naging impluwensya ang medya at ang mga nagtataasang billboard sa Edsa na naglalathala ng mga pang modelong pangagatawan, na tyak na pinapantasya ng karamihan. Sino ba naman ang ayaw na magkaroon ng ala-cocacolang pangagatwan, mga perpektong hubog, tyan na may anim na pandesal at mala-hercules na braso. Kaya halos marami na ang nagtatayuang mga maliliit na negosyo tulad ng gym sa mga kanto, pero dahil sa kagutuhang makuha ang inaasam-asam ng pangagatawan ay basta-basta na lang pumunta sa mga gym at bumubuhat ng kahit ano, kahit wala tayong kaalam-alam kung paano ba ang tamang paraan at proseso ng pagbubuhat.

Kaya isa sa mga malaking kamalian ng mga Pilipino ngayon ay ang hindi pagkonsulta sa mga taong nakakaalam ng mga dapat gawin, isa sa mga aking napansin ay ang mga naglalakihang braso ng mga lalaki, puro na lang Biceps at Triceps na tinatawag kong Bicepstrophy at Tricepstrophy, parang sinabing "okay na yun basta lang lumabas ang muscle sa braso, para lang masabing batak at para lang masabing nagbubuhat kasi uso eh", pero kung titignan mo ang lalaki naman ng tyan, para bang mga bouncer, tapos hilig pa ang magsuot ng mga masisikip na damit: oo nga kita ang galit mong muscles sa braso pero kung ano ang kinalaki ng braso eh ganoon din ang laki ng tyan. Mapapansin ito madalas sa mga Pilipino kasi maganda daw atang tignan sa kanilang palagay, sa totoo lang ay nakakaasiwa, hindi balanse ang katawan mo, hindi rin maganda tignan.

Ang tama ay dapat magpapayat muna sa pamamaraan ng pagtakbo ng 30-45 minutos araw-araw kahit di muna magbuhat, pero kung kaya pedeng magbuhat yung kaya lang ng katawan at hindi lamang binibigyang pansin ang braso, dapat buong katawan ay wino-work-out kung baga. Tapos tsaka ka lang mag cardio, pagkatapos mag buhat, dapat din ay sunod-sunod na pagehersiyo ang ginagawa (chest, back, shoulders, legs, biceps, triceps) isang set ay dapat may tag isang exercise ang bawat parte ng katawan na nabangit. Tuloy-tuloy ang pag buhat hanggang matapos ang isang set ng ehersisyo tsaka lang pede mag pahinga pag natapos ang anim na klase ng ehersiyo at uulitin ito ng 15-20 na repitisyon sa tatlong sets, pagnatapos na ito ay panibagong set ng ehersiyo ang gagawin.

Ang rasyonale ay tanggalin muna ang taba bago magpalaki ng katawan, ang weight loss training ay ang renirekomend ng mga ispesyalita, dahil uubusin mo muna ang carbohydrates mo sa katawan kaya ka nagbubuhat sa una tapos tsaka ka mag cardio ng 30-45 minutos para ang taba o fats na ang ginagamit na source ng enehiya sa pamamaraan na ito ay nabuburn mo ang iyong taba.

~ Saturday, July 30, 2011 0 Reactions

Pag-Ibig


Masyadong malawak at seryosong isyu to sa kabataan pati na rin sa matatanda. Madalas mo tong sinasabi araw-araw na mahal mo o gusto ang isang tao, pero alam mo ba talaga ang salitang pag-ibig, alam mo ba talaga kung paano umibig o nakiki-uso ka lang o ang inakala mong pag-ibig ay sadyang hindi pala pag-ibig. Well, sa bibliya may nabangit na tatlong klase ng pag-ibig: Ang Eros Love, Philos Love at Agape.

Ang Eros Love o sa layman's term ay "erotic love", madalas ito ang unang stage ng pag-ibig, ang eros na klase ng pag-ibig ay madalas ay pisikal na uri ng pag-ibig, o madalas ang anyo o itsura ng tao ang basehan na mahal mo na siya. Halimbawa, nagandahan ka sa kanya, o ang ganda ng mata niya o maganda ang lahi niya. kahit hindi mo pa masyado kilala ang tao, sinasabi mo na mahal mo na siya. Pero sakin mali ang concepto na umibig ka dahil sa pisikal na anyo kasi, parang makasariling pag-ibig ito, kasi ikaw lang ang nagbebenifit dito, ikaw lang ang nakakaramdam ng pagmamahal pero yung taong gusto mo hindi.

Kaya hindi totoo, ang "Love at first sight", kasi imposible nga ang magmahal na ikaw lang ang nagmamahal at imposible rin na magmahal ng di mo pa kilala ng tuluyan ang tao, at dahil minahal mo lang siya sa pisikal na anyo at hindi sa kanyang buong pagkatao. Kahit pa parehas kayo ng nararamdam sa isa't isa or in short mutual understanding pero di niyo pa gaano kakilala ang isa't isa di ito anyo ng pag-ibig.

Gaya ng "Love at first sight" hindi rin totoo na isang uri na ng pagmamahal kapag nahulog ka sa kanya or "falling in love" kasi ikaw lang ang nagbebenefit at ikaw lang din ang nakakaramdam ng pag-ibig at hindi parehas kayo kaya medyo selfish love ito.

Minsan kasi masyado tayong nalalason ng media, kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pag-ibig, kaya mas maganda na nagrerelay tayo sa puso at isip at hindi gaano sa ating nakikita at sa nararamdaman, kasi minsan hindi lahat ng nararamdaman mo tama eh, oo, nararamdaman mo na ang saya-saya mo kapag nagkita kayo o nakita mo siya at sasabihin mo na "uy tumingin siya sakin" 0 "uy ngumiti siya sa akin nung nagkasalubong kami" kaya "yes, feeling ko may gusto siya sakin o kaya yes, we are destined for each other" akala mo "siya na ang para sayo" pero sa huli hindi pala, alam mo kung ano mali? Hindi mo siya muna kinilala, basta ka nag-assume.

Pero ang eros love ay hindi masama, dahil nga ito ang unang stage ng pag-ibig, ibig sabihin normal ito sa tao, hindi lang pisikal na anyo ang eros na klase ng pag-ibig, gaya nga ng nabangit ko kanina, kapag may mutual understanding kayo at madalas na kayo lang ang nagkakaintindihan, maaaring nasa stage kayo nito lalo na nagusto niyo ang isa't isa. Sa eros love ay mararamdaman mo na ang romantic feeling.

Kaya sa eros love, pede karing mainlove kahit hindi sa pisikal na anyo, pede ring sa nakikita mong katauhan niya, kung baga yung nakikita mo pero hindi mo pa siya kilala, halimbawa, mabait siya, magaling magdrawing, mahilig din siya sa french fries at anime, masipag siya o kaya magaling kumanta o sumayaw. Parang first impression mo sa kanya o yung ung pagkakakilala mo sa kanya, pero di mo pa gaano kilala ang kanyang buong pagkatao.

Ang eros love ay isang klase ng pag-ibig na wala pang gaanong friendship na nanamuo, ibig sabihin, kilala mo lang siya sa kung ano ang pinapakita niya, nakikita mo o kung ano ang pagkilala mo sa kanya. Pero wala pang malalim na pagkakakilanlan sa isa't isa. Para makapunta sa pangalawang stage ng pag-ibig o ang philos love, kailangan mong kilalanin ng mabuti ang taong gusto mo. Madalas maraming nabibiktima sa eros love, kasi pagnanliligaw ang isang lalaki, madalas talagang madalas ang ipapakita muna niyan sa babaeng kanyang gusto ay ang magagandang attribute niya, kunyaring mabait, matulungin, o kung anu man pero pag sinagot na siya ng babae, doon na lalabas ang tunay na kulay, kaya minsan dapat kilalanin muna ito ng babae ng lubusan, kasi madalas sa huli di rin magiging kayo para sa isa't isa, kasi sa una pa lang parang plastic na yung lalaki at hindi na pinapakita ang tunay na kulay, misan kasi, inaamin ko, masyadong abuso na ang lalaki parang trinatrato ang mga babae bilang isang materyal-para lang ma-satisfy ang sariling kagustuhan at di na iniisip ang nararamdaman ng babae.

Ang pangalawang stage o klase ng pag-ibig, ay ang "Philos Love", madalas ito ang pagmamahal mo sa mga importanteng tao sa buhay mo, gaya ng pagmamahal mo sa magulang mo, sa kapatid mo, sa mga kaibigan mo o sa best friend mo. Maaaring di ka na dumaan sa unang stage ng pag-ibig, maaring nasa philos love ka na agad.
Sa Philos Love binibigyang importansya ang salitang "Friendship", kasi dito mas makikilala mo na ang taong gusto mo, hindi katulad ng Eros love na puro na lang magagandang attributes o traits ng taong mahal mo ang nakikita mo, dito sa philos love, pati yung panget o evil side ng taong gusto mo ay makikita mo or malalaman mo. Kaya sinasabi na importate ang "friendship" sa isang relasyon, lalo na kung gusto mo itong magtagal kasi natuto mong mahalin hindi lang ang magandang parte ng kanyang pagkatao gayundin ang mga panget o masamang parte ng kanyang pagkatao, at minsan ang pagtanggap sa "imperfections" ng bawat isa ay siya nagtutungo sa mas matagal na relasyon.

Madalas nagsisimula ito sa kaibigan mo siya, tapos araw-araw kayo magkakasama ng barkada mo, tapos nagustuhan mo yung buong pagkatao niya, hanggang sa naging inspirasyon mo siya, at malalaman mo na ganoon din pala ang nararamdaman niya sayo. Hanggang sa siya ang magiging dahilan mo para pumasok araw-araw. Pero minsan wag kang papaka-siguro kasi minsan sa stage na ito, marami pa rin ang nagkakamali, minsan kasi ang akala mong gusto o pag-ibig ay hindi pala totoo, yun pala nasanay ka lang na nandyan siya lagi, parang naging dependent ka, na kung hindi siya pumasok sa school ngayon, parang ikaw tatamarin ka, parang kung wala siya, wala ka rin, para kang naging anino niya, at hindi ito kasama sa philos love kasi sa huli ikaw lang din ang nasasaktan, kasi ikaw lang ang nagbibigay, ikaw lang ang umeeffort, pero wala kang nakikitang ginagawa niya para sayo.

Dito sa stage na ito mas binibigyang pansin ang "give and take relationship" kung saan hindi lang ikaw ang parating bigay ng bigay o tanggap ng tanggap, kailangan parehas kayong pinupuno ang kulang ng isa't isa, parehas naghihirap sa isa't isa, hindi yung mag isa ka lang na nagtataguyod ng relasyon niyo. Malalaman mo naman eh na okay kayo pagnaramdaman mo na iniisip mo rin yung kalagayan niya o yung makukuha niya sayo, hindi yung sarili mo lang iniisip mo.

Maraming nagsasabi na magandang magsimula ng pundasyon ng isang relasyon kapag magkaibigan kayo, sa totoo lang sang-ayon ako dito, pero marami ding nagsasabi na minsan di maganda ang nadudulot ng pagiging magkaibigan niyo kasi pag trinato mo siyang kaibigan maaaring ganun din yung ibalik niya sayo at nagiging komportable na kayo sa isa't isa at minsan na stuck na kayo sa pagiging magkaibigan kasi pag itinaas niyo sa ibang lebel ang pagiging pagkakaibigan niyo tapos naging kayo at nagbreak kayo kunyari, maaaring kinakatakot ay masira ang nabuong pagkakaibigan niyo at the first place, pero hindi ka naman nagmahal na iisipin mo pa yung nabuo niyong friendship, kung mahal mo ang isang tao at willing ka na gawin lahat, kahit friendship isasakripisyo mo kasi nga mahal mo, walang hahadlang, pero kung sa una pa lang natatakot ka na na iangat sa ibang lebel ang inyong pagkakaibigan, siguro magduda kana baka mamaya pag naging kayo, hindi mo kayang ibigay lahat kasi takot ka sa una pa lang.
Ang paghahanap ng tamang kabiyak ay hindi naman dapat sumunod sa tinalang "standards" ng mga tao, san ka pa nakakita ng magasawa na sila yung una at huli niya, parang bilang mo lang sa buong mundo, mas madalas maraming nagsasabi na ang hindi maganda ang friendship bilang isang pundasyon sa matagal na relasyon pero kita mo naman sila, sila yung mga naka dose na nakarelasyon, hindi naman trial and error ang paghahanap ng mr. or ms. right. Kailangan iniisip ito ng mabuti, kailangan willing kayo parehas na magsakripisyo, yun ay kung mahal niyo ang isa't isa, at yun ay kung kung parehas kayong nagbebenefit. Tandaan, ang pagkakaroon nag karelasyon ay kahit kailan hindi naging ako o ikaw, kailangan tayo, tanggap niyo ang isa't isa kahit na anong pagkatao niya.

Naniniwala ako na mas tumatagal ang magkabiyak na iba ang hilig at hindi yung sinasabing compatible sila dahil parehas sila ng gusto o interest sa buhay, kasi naniniwala ako na kapag sobrang magkaiba kayo ng personalidad at interest, kayo yung nagpupuno sa kulang ng isa't isa. Halimbawa, mahirap kapag ang magkarelasyon parehas gusto ang paa ng manok, kasi magaagawan pa yan, minsan away pa, pero kung magkaiba kayo halimbawa gusto ng lalaki ang pakpak at ikaw ang paa, sigurado lagi kayong at peace. Pero wala naman ako sinasabi na kapag magkaparehas kayo di kayo magtatagal, paniniwala ko lang yun, pero meron din nagtatagal doon kasi kumakapit sila sa gusto ng isa't isa, at hindi sila nawawalan ng pinaguusapan, yun nga lang pare-parehas lang ung paguusapan niyo at yun ay yung kagustuha niyo.

Sa pinakahuling stage ng pag-ibig, ang Agape, itong ang pinaka mataas na uri ng pag-ibig na kayang ibigay ng tao, ito ang klase ng pag-ibig na naghahanap ng walang kapalit, itong ang klase ng pag-ibig na walang self-benefit, kahit ikamatay mo pa itutuloy at itutuloy mo pa ring mahalin siya. Ang klaseng ito ng pag-ibig ay hindi nagiintay ng kahit anong kapalit sa iyong kabiyak. Halimbawa, ang pag-ibig ng isang ama sa kanyang anak, kahit pa rebelde ito o sinasagot sagot siya, ang pag-ibig ng isang ampon sa kanyang hindi tunay na mga magulang kahit inaapi na siya o ang pag-ibig ng Diyos sa atin kahit na pinako pa siya sa krus ng dahil sa ating kasalanan.

Sa huli ang pag-ibig na pinapahiwatig sa atin sa bibiliya ay hindi isang standards na kailangan nating sundin para magkaroon ng isang maganda relasyon, kundi isa lang itong paraan para turuan o gabayan tayo o para maipaalala sa atin ang kahalagahan ng pag-ibig. Depende pa rin sa tao kung paano niya titignan ang salitang pag-ibig, dahil siya rin naman ang may hawak ng kanyang kapalaran. Basta ako naniniwala, na sa ngayong buwan ng mga puso, hindi mo kailangan ng isang ka-date o syota, kasi hindi lang naman sila ang taong pedeng magmahal sayo, kaya nga may pamilya at kaibigan na laging andyan na mas kaya pang higitan ang pagmamahal na hinahanap mo sa iisang tao.

Happy Valentines Day

~ Wednesday, January 12, 2011 0 Reactions

Sakim


Isa itong "review" tungkol sa isang pelikula noong 2009, ang "The Box". Maraming nagsasabi na ang pagkagawa daw ay di maganda or pinaka-worse movie na napanuod nila. Maaaring masyado itong magulo, maraming di malinaw, hindi siya ganoong kapulido, pero kung titignan masyado itong malalim, lahat ay parang may dalawa o tatlong kahulugan, mahahasa talaga ang utak mo sa kakaisip ng iba't ibang interpretasyon ng kahulugan ng pelikula. Pero ang totoo, may maganda siyang mensahe sa ating mga nilalang. Mensaheng tungkol sa kaugalian ng tao, kung paano tayo babagsak at kung paano tayo hindi maliligtas sa pagkawasak ng mundo dahil sa ipinapakita nating ugali.

Isa itong epidemya, isang sakit, parang kanser na di magamot-gamot, dahil nasa tao ang kapangyarihan para siya magkaroon ng magandang buhay, nasa kanya ang gamot para maligtas ang kanyang sarili at ang iba, at iyon ay ang kapanyarihan ng taong mamili, ang "freedom of choice" at "freewill" ng tao.

Sa pelikulang "The Box", May isang lalaking pumunta sa bahay ng isang mag-asawa na may isang anak, bitbit niya ang isang Kahon na may Button, kapag pinindot nila ito, magkakaroon sila ng isang milyong dolyar pero may kapalit, may mamamatay na isang tao, isang taong di nila kakilala sa mundo. Sa huli, dahil sa kahirapan at matinding pangangailangan sa pera, pindot ito ng babae. Nagkaroon sila ng isang milyong dolyar, at ang Kahon ay binawi ng lalaki para ireprogram para ibigay sa susunod na taong mabibigyan ng pagkakataong mamili. Sa huli, ang susunod na mabibigyan ng Kahon ay bibigyan din ng parehas na pagpipilian, isang milyon kapalit ang buhay ng isang taong di nila kilala, kapag pinindot nila ito, mamamatay ang huling taong o ang previous na pumindot ng button sa kahon. Kaya para itong bilog o cycle, paikot-ikot, paulit-ulit, parang walang katapusan, pero matitigil lang ito kapag may isang taong piniling hindi pindutin ang button.

Maraming mga istoryang katulad ng the Box, pede itong maihalintulad sa istorya ni Adan at Eba, ang temptasyon ni Eba sa pagkain ng mansanas dahil sa kagustuhang magkaroon ng parehas na katalinuhan ng Diyos. Mahihahalintulad din ito sa istorya ni Pandora at ang Pagbukas niya ng Kahon na naglalaman ng lahat ng kasamaan sa mundo.

Simple lang naman ang mensahe ng mga istoryang ito, Ang pagiging sakim ng isang tao, pinapakita na kahit buhay na ang kapalit ay maspinili parin ang pangsariling kaligayahan, ang pagiging selfish ng tao, pagiging greedy at materialismo. Lahat tayo ay ganito, aminin mo man o hindi, naging sakim tayo lahat kahit isang beses lang. Halimbawa, alam naman natin na sa Africa ay maraming namamatay sa gutom, maraming naghihirap, o kahit sa sarili nating bansa, sa Pilipinas maraming ganitong kaso, pero tayo bilang tao, minsan wala pang nagagawa, walang kusa, oo, ang iba ay tumutulong sa mga charity o kaya donasyon, pero iilan lang ang ginagawa ito dahil sa gusto nila talaga at ayon ang sinasabi ng kanilang puso, minsan kasi ang iba ginagawa lang ito kasi alam nila na pag gumawa sila ng mabuti, pupunta sila sa langit, kaya minsan nawawala ang essence ng pagtulong kasi alam nila na obligasyon ito at may kapalit na nagiintay.

Sa Pelikula nabangit din ang salitang "altruistic", na karaniwang ginagamit sa mundo ng mga Hayop, na ang ibig sabihin ay marunong magsakripisyo sa kapwa niya hayop, halimbawa na lang ang mga paniki, kaya nilang magsakripisyo ang sarili para kainin sila ng kapwa nila paniki tuwing wala na silang makain, marunong silang magsakripisyo kahit sariling buhay na ang kapalit. Maaring sinusubukan lang tayo ng panginoon kung kaya nating isakripisyo ang lahat ng ating kagustuhan, lahat ng ating luho at kaligayahan para sa kapwa naten, kilala man o hindi. Kaya sa pelikula ang lalaking may hawak ng kahon ay maaaring ang panginoon, at lahat ng ito'y isang pagsubok kung papasa tayo at nararapat na sa langit mapunta. Nabangit din na ang mundo ay siyang Purgatoryo, kung saan tayo'y hinahatulan kung tayo'y nababagay na mapunta sa langit.

Matitigil ang kasakiman ng tao, kung imumulat niya ang kanyang sarili, sa mga possibilidad na mangyayari sa lahat ng kanyang ginagawa, kailangan nating malinawan sa bawat bagay na ating ginagawa, kung sa gayon alam natin ang mga consequences at mga epekto nito sa atin at sa kapwa niya tao. Iisipin din natin na Lahat tayo ay konektado sa isa't isa, kapag gumawa ka ng isang bagay ay maaaring maapektohan ang iba, sa mabuti o masamang paraan, depende sa iyong gawain o ginawa.

~ Monday, December 27, 2010 0 Reactions

Atras


Atras, masyadong negatibo, minsan pa nga ay naihahalintulad sa pagiging duwag. Lalo na sa larangan ng sports, ang salitang atras ay maihahalintulad sa pagiging "quitter" o "loser". Pero di naman dapat ganoon lagi ang ating maging pananaw lalo na kung may magandang resultang makikita sa huli. Kaya ang pag-atras mo sa isang bagay o tao, ay may maidudulot na positibo o negatibo sa ating buhay na minsan makakapagbago pa sa atin.

Minsan ang pinaka mahirap na yugto sa buhay ng isang tao ay lumisan at iwanan ang isang bagay na masyadong napalapit sa puso mo o masyado mo ng minahal, at di mo alam kung kaya mong iwan. Masakit man, pero kailangan mong gawin para sa sarili mo. Misan kasi sa sobrang pagmamahal naten sa isang tao ,nakakalimutan na naten ang salitang "sarili", di lang naman puro ikaw, siya, sila, meron din namang salitang "ako".

Minsan pag nagmahal ka ng todo, hindi mo na napapansin ang sarili mo, misan nakakalimutan naten ang sariling kapakanan naten, minsan di naten nakikita na ginagamit lang pala nila tayo, misan di naten nararamdaman na tine-take for granted na lang nila tayo. Hindi naten ito nakikita dahil nahulog tayo sa patibong niya o nagayuma na tayo ng kagandahan niya. Kaya minsan mahirap na ikaw lang ang bigay ng bigay, tapos walang bumabalik in return, para kang nakikipag usap sa isang taong comatose. Para kang tangang tumatawa sa sarili mong joke. Kaya minsan nabubulag tayo, naloloko tayo, nagmumukhang tanga lang tayo. Kaya mas magandang umatras na lang. "Misan hindi na Atras ang tawag dun, kundi respeto sa sarili, sa pagkatao mo, dahil tao rin tayo hindi naman tayo si Superman na sobrang lakas na lahat ng problema kayang lampasan, pero minsan nga kahit si Superman hindi kinakaya lahat ng problemang dumadating sa kanya, misan si Superman pa ang humihingi ng tulong". Kaya wag kang matakot na umatras lalo na kung tinatapakan na ang pagkatao mo.

Sa huli ang depinisyon ng pagibig at pagmamahal, ay kailangan parehas kayong nagbibigay, parehas kayong nagmamahal, parehas kayong naghihirap, parehas kayong lumalaban, kailangan patas ang laban, hindi pwedeng isa lang ang gumagalaw, mahirap yun, parang naglaro ka ng chess, pero ikaw rin ang naggagalaw ng parehas na set, parang niloloko mo lang sarili, kasi sa huli tatapatan mo rin kung anong tinira mo sa isang set o yung nawala sa isang set.

(Ginawa ko to para sa isa kong kaibigan :))

~ Tuesday, October 5, 2010 0 Reactions

Inang Berta


Ang salitang Paalam, ang pinaka malungkot at kinakatakutang salita ng tao, isang salita na ayaw nating marinig o maranasan, dahil alam nating ito na ang wakas, ito na ang katapusan ng isang masayang araw o masayang parte ng buhay mo. Kung masakit na ang salitang "paalam" paano pa kaya kung duktungan mo pa ito ng salitang "huli", parang dinoble mo pa kalungkutang iyong dinaranas, dahil alam mo na hindi mo na siya makikita bukas, makalawa, kinabukasan o kahit kailanman.

Bawat tao ay may misyon sa mundo, bawat nilalang ay may nakatakda, lahat tayo ay may tatak sa mundo, sa maikling salita may katungkulang dapat gampanan, parang isang laro lang na dapat kang manalo para makausad sa susunod na level. Pero sa mundo naten mahirap makatapos ng isang level dahil minsan na stuck ka sa isang sitwasyon dahil minsan sobrang ganda ng pangyayari at ayaw mo ng umusad pa at ayaw mong lumisan pa dahil alam mong di na ito ulit mauulit, lalo na pag wala ka na.

Bumalik ako noong unang panahon, isang dalaga ang aking nakita, masaya, maganda at wari'y pamilyar ang kanyang mukha, naka Baro't saya at bihis maharlika. Lumapit ako sa kanya, para makita ang features ng kanyang mukha para mas lalo ko siyang makita at makilala, walang duda, siya ang aking Lola, ang great-grandmother ko. Nandun lang ako at gusto ko panuorin ang kanyang nakaraan, ang buhay na kanyang dinanas, paano niya nakilala ang kanyang kabiyak at kung paano nagsimula ang buhay namin dito sa mundo ng dahil sa kanya.

Alam ko sa aking nakita, naging masaya siya dahil nakita ko, tuwang-tuwa siya dahil naging masaya siya kasama ang kanyang asawa, at mas sumaya pa noong nagkaroon pa siya ng anim na anak. Pinalaki niya ito ng tama, maaring gusto niya ng malaking pamilya, dahil pagmalaki ang pamilya mo, mas masaya, mas maraming nagmamahal sayo, mas maraming gagabay sayo, mas maraming magaalaga at maaalala sayo, at alam mong di ka magiisa sa panahon ng hirap at pagluluksa.

Pero hindi lang siya huwarang ina, siya rin ay matapang, dahil nalagpasan niya ang panahon ng gera, kung saan tayong sinakop ng mga banyaga. Isa sa siyang babaeng dapat hangaan dahil nakita ko ang lahat ng ito sa kanyang mata, nadapat siyang mabuhay dahil di pa tapos ang misyon niya sa buhay. Dahil alam ko gusto pa niyang mas malaki ang kanyang pamilya, mas masaya at mas marami pa.

Nakita ko ang lahat, lumaki na ang kanyang anim na anak, ang iba'y nagasawa, ang iba'y nanatiling mag-isa, pero di mahalaga yun dahil masaya naman sila. Lalo na ng magkaanak pa ang kanyang pangatlong anak, pito pa, mas dumami pa, magulo man pero masaya. Patuloy kong sinubaybayan ang buhay niya, hanggang sa naglaon, tumatanda na siya pero sa huli nakangiti pa rin siya.

Nakita ko siyang malungkot ng mawala ang kanyang kabiyak, pero panandalian lang yun, dahil nga maraming nagmamahal sa kanya, maraming nandyan para saluhin ang pagdurusa niya. Patuloy ang buhay niya kahit wala na siyang kabiyak, nandyan naman ang sandamakmak niyang anak, apo at apo sa tuhod para pasayahin siya.

Umabot siya ng ilang taon, tumanda ng masaya, at hanggang sa iwan na niya kami para magpaalam, namiss na daw niya ang kanyang asawa, masyado na daw matagal ang pamamalagi niya dito, tapos na daw ang kanyang misyon dito sa mundo, alam naman niya naging masaya ang kanyang mga anak, apo at apo sa tuhod.

Sa huli, tsaka ko pa lang nalaman ang kanyang misyon dito sa mundo, ang maisilang kaming lahat, ang kanyang pamilyang ginawa, ayaw niyang solohin ang kasiyahan, gusto niya rin naming maranasan ang maging masaya, dahil alam niya na kung mas marami, mas masaya. At ngayon alam kong masaya ako dahil marami akong pedeng takbuhan, marami ako pede pagsabihan at itong marami na ito ang pamilya ko, ang pamilyang binuo ng Lola ko.

Siya si Norberta Flores, 98 years old, Great-Grand mother ko. Wala sana kami, kung wala siya. Siya ang eba ng pamilya namin. Kung baga, siya ang puno, kami ang prutas, naging malago kami dahil inalagaan kami ng mabuti. Pero minsan ang puno'y nasisira rin, nababakbak dahil sa katandaan, at namamatay pero nagiiwan ng marka sa mundo.

Sa huli lahat ng laro ay may hanganan, lahat tayo ay kailangan mag level up para matapos ang laro at iwan ang isang level para harapin ang susunod na pagsubok ng buhay.

You're greater that the great wall of China, You're grander than the beautiful rocks in Grand Canyon and the best thing is You're my Great-Grandmother, and you survive for 98 years. Rest in Peace Inang, We'll miss you.

~ Saturday, August 14, 2010 0 Reactions

Sino ang Tunay na Baliw?


Nakarinig ka na ba ng mga taong nagsasabing nanggaling daw sila sa ibang planeta, mga taong nagsasabing nanggaling daw sila sa ating future, mga taong nanggaling daw sila sa nakaraan, mga taong nagsasabing ako ay isang diyos at diyosa, mga taong nagsasabing ako ay padala mula langit bilang isang propeta, mga taong nagsasabing nakita na raw nilang nagunaw ang mundo o mga taong nagsasalita mag-isa, tumatawa mag-isa, umiiyak ng walang dahilan. Lahat ito ay tinawag at binansagan nating mga baliw. Baliw, na di nila alam ang kanilang sinasabi, mga may sira sa ulo, mga may topak o mga inutil. Pinagtatawanan, pinandidirian, pinapaalis, iniiwasan, pinapahiya, binubulyawan at binabastos, na wari'y di sila mga tao.

Kung titignan mo mahigit 80% ng bansa ay Katoliko, malamang alam nila ang nangyari kay Hesus noong mga panahong iyon, di pinaniniwalaan na anak siya ng Ama sa langit, pinagtatawanan, pinahihirapan, pinako sa krus at namatay ng dahil sa ating mga kasalanan. Sa huli lang pinaniwalaan na siya ang tunay na anak nang siya ay nabuhay at umakyat sa langit. Tinuring siyang parang isang baliw ng ilang mga tao noon, maraming di naniwala, niyurak ang kanyang pagkatao.

Hanggang ngayon matapos ang ilang mga libong taon na ang nakalipas, ay iniintay parin natin ang kanyang pangalawang pagdating para iligtas ang mundo lalo na na nararanasan natin ang unting pagbabago ng mundo, mga climate change, ang global warming. Mas inaasahan natin na malapit na ang tamang panahon na darating si Kristo. Paano na lang kung dumating na ang takdang panahon at pinadala ng Ama si Hesus sa Mundo sa pangalawang pagkakataon at nakasalubong mo si Kristo sa isang daan o lugar, at sinabi niya sayong "ako ang Anak ng Ama, na pinadala niya ulit sa mundo sa pangalawang pagkakataon para iligtas ang tao, halika samahan mo ako sa aking paglalakbay para mailigtas ko ulit ang mundo at ang tao", Maniniwala ka ba? O pagtatawanan mo lang siya at sasabihing baliw, magiging parehas ba ang trato ng tao noon sa kanya at hanggang ngayon?

Paano kung totoo rin nga ang mga taong nagsasabing galing sila sa ating nakalipas at bumalik sila dito para tulungan ang tao na ayusin ang mga kasalanan ng nakaraan o mga taong galing sa hinaharap, at sinasabing itigil na ang pag maninipula ng mga kagamitang nakakasira sa mundo dahil galing siya sa future at alam na niya ang hinaharap natin kung ipagpapatuloy natin ito. Paano kung totoo sila? at pinagtawanan lang natin at binanyagang baliw. At sa huli tsaka lang natin malalaman na tama sila o totoo pala sila. Hindi ako naniniwala sa mga gantong mga nilalang, pero naisip ko lang na si Hesus na ating sinasamba ay nung una'y di rin nila pinaniwalaan at binansagan ng iba na baliw dahil sinasabi niya na siya daw ang Hari.

Wala naman masama kung naniniwala ka o hindi sa kanila, pero ang mahalaga kahit ano pa sila at kahit ano pa ang sabihin nila na ganito sila, ay hinahangad din nila ang respeto dahil tao rin naman sila, at paano nga kung ang pinagtatawanan mong baliw, ay nagsasabi pala ng totoo gaya ni Kristo noon. At least, kahit hindi mo sila pinaniwalaan, nirespeto mo naman sila. Sa huli ang tunay na baliw ay ang mga taong di natutong rumispeto sa kapwa nila tao, lalo na sa mga taong walang kalaban-laban at pinagtatawanan dahil sa kanilang mga sinasabi at kinikilos.

Sa huli ang mga di naniwala kay Kristo ang naging baliw. Ikaw? Ako? Tayo? Sa tingin niyo tayo ba ang mga tunay na baliw sa makabagong lipunan?

Di natin alam kung ano ang naghihintay sa atin sa hinaharap, di natin alam kung ano ang iba pang nangyari sa nakaraan, Pero ikaw maniniwala ka ba sa mga taong binansagan na ng lipunan na baliw?

"You Laugh at me because I'm different, I Laugh at you because you're all the same"



~ Sunday, June 13, 2010 6 Reactions