Tiwala

~ Wednesday, January 9, 2013


Hindi mo makukuha ang karanyaan sa isang araw, kaya wag kang mabalisa kung nagkamali ka ngayon. Lahat ay may tamang oras, lahat ay meron tamang kinalalagyan. Baka ngayon hindi mo oras, kaya wag mo isasarado ang pagkakataon para bukas. Matuto ka sa bawat pag kakamali mo, wag kang susuko, yung ang paraan para ang isang tao ay magtagumpay, matuto sa pagkakamali, dahan-dahanin ang paglalakbay dahil hindi minamadali ang buhay. Tandaan mo ang pinakamasaya laging parte ng buhay ay yung papunta sa karanyaan, gaya lang ng isang field trip, ang pinaka masayang parte ay yung sa bus, yung papunta sa isang destinasyon. Kasi doon ka excited sa isang bagay, doon ka pedeng maging masaya, doon ka pedeng malungkot, doon ka pedeng magkamali, doon ka pedeng bumangon ulit at hindi mo yun magagawa kapag nasa taas ka na kasi pag nandoon ka na walang lugar sa pagkakamali kasi dapat noong papunta ka pa lang ay natuto ka na, nakapagbaon ka at naituwid mo na ang mga baluktot na daan. Kaya hangga't wala ka pa sa tugatog na iyong buhay dapat ay i-enjoy mo lang ang bawat pagkakataon. 

Lagi kong sinasabi sa sarili iyan. Kahit na alam ko na sa sarili ko na hindi ko kayang maasam ang isang bagay lalo na kung ang tingin sayo ng tao ay mababa. Lalo na kung maraming beses ka ng napagsaraduhan ng pinto sa gusto mong paglalakbay sa buhay. Oo nga marami ngang mga iba pang pinto, marami pang iba oppurtunidad ang naghihintay sayo, pero bawat pagsarado ng pinto sa iyong pangarap ay may napupunit ng kaunti sa pride mo, sa pagkatao mo, mahirap kayang hindi matanggap sa isang bagay na inaasam-asam mo. Lalo na kung yung mga taong sa paligid mo ay walang tiwala sayo, dagdag pasakit pa.

Minsan itatanong mo na lang sa sarili mo eh, ito ba ang tamang landas na nilalakbay ko? Kung hindi eh paano ako makakalabas sa problemang ito? May solusyon ba ang problema ko? Meron bang mas magandang destinasyon ang naghihintay sa akin sa mga susunod na araw? Ang sagot ay laging ewan, baka, siguro, laging walang kasiguraduhan ang bukas. Kaya siguro ay tiwala na lang, baka nga may iba pang plano sayo ang Panginoon. Kahit nakakapagod ng mabuhay sa isang araw, kelangan tumayo kahit parang may dala-dala kang sako ng bigas sa likod mo, kahit na parang may tingga ang mga sapatos mo, kahit na puro bubog ang dinadaanan mo, eh kelangan konti tiis lang. “Kaya to, kaya natin to” Sabi nga nila ay TIWALA. Tiwala sa sarili, tiwala sa Panginoon, Tiwala sa magandang bukas.

Alam kong nakakapagod din minsan mag-tiwala, kasi minsan yung inaasam mo ay hindi pala para sayo, mapa-trabaho yan, mapa-pagibig, mapa-pera o kung ano pang mga problema na pede mong problemahin. Sa huli, lalabas pa rin ang salitang “Tiwala” sabi nga sa isang librong nabasa ko eh, kahit na madilim at matarik na ang iyong dinadaanan sa buhay, mawala na lahat sayo wag lang ang pag-asa, wag lang ang tiwala. Kasi pagnawala sayo ang tiwala, lahat ay mawawala na.  Tandaan mo na nasa salitang tiwala ang salitang “wala”, umaasa kahit naman wala, kahit naman papaano ay sinubukan mong magtiwala kahit sa huli ay walang mapapala. Gayunpaman, alam ko at alam mo, na binigay mo naman lahat ng makakaya mo, na binuhos mo na lahat ng magagawa mo, yun naman ang importante eh na hindi ka sumuko, gaya nga ng sinabi ko para lang yang field trip i-enjoy mo muna ang papunta sa destinasyon at sa huli maabot mo rin ang pangarap mo kelangan lang ng “Tiwala”


(Image from: http://browse.deviantart.com/digitalart/vector/?q=street+lights#/d164wlk)

0 Reactions:

Post a Comment