Ari-Arian
Thursday, September 6, 2012
~
Pagkapanganak sayo sa mundo ay pinapangalanan ka ng magulang mo at dala-dala mo na yun hangang sa lumaki ka, nakapagasawa at nagkaanak. Hagang sa pinasa-pasa na ang iyong apelyedo sa mga susunod na henerasyon. Yan ang gusto ng matatanda eh ang mapanatili ang kanilang apelyedo sa mundo, minsan pa nga ay para makilala ang pamilya mo o para sumikat ang pangalan mo, paano pa kung talagang sikat ang angkan niyo. Pero alam niyo ba na hindi lang sa pamamagitan ng pagbuo ng isang pamilya naiipasa o nabubuhay o nakikilala ang ating mga pangalan o apelyido?
May mga tao na gustong maging sikat kaya nag aartista, may mga taong nagbuhis ng buhay nila kaya nagiging bayani, may mga tao na nageexcell sa pampalakasan kaya napapangaralan sa bansa at may mga tao na tumatakbo sa gobyerno para magsilbi sa mga kanyang nasasakupan. Lahat ng ito ay malamang kilala sa kanilang bansa o lugar kung baga ay may pangalan, sikat, celebrity, nakikita billboard, telebisyon, radyo at iba pang pampahayagan. Nalalathala sila sa mga libro na inaaral ng mga istudyante sa paaralan. Minsan pa nga ay may statwa o nasa pera ang mga pangalan at mukha nito, malamang ang iba ay nasa museo pa ang bibliograpiya nila. Sa ganitong paraan ay napapanatili nila ang pangalan nilang buhay sa kanilang bansa dahil sa kanilang mga naidulot na maganda para sa kanilang lugar, kapalit noon ang pang habang buhay napagkilala sa kanila.
Pero may isang bagong paraan na patuloy kong di maintindihan kung bakit ginagawa ng mga taong ito, ewan ko sadyang hindi ito tama dahil ginagamit nila ang kaban ng bayan para mapanatili ang kanila pangalan sa ating bansa. Sa papaanong paraan? Edi sa pagtayo ng mga gusali nuong termino nila at ipapangalan ito sa kanila. Hindi kasali dito ang mga ibang tao na sadyang binili ang istablishimentong iyon gamit ang sarili niyang pera kaya napangalan sa kanila o kaya ay kung sila ang gumawa noon gaya ng business (halimbawa ay ang Russel's Bank) o pede rin na ipinangalan sa kanila ito ng gobyerno gaya ng mga lansangan o gusali. Pero may ibang tao na tumatakbo sa gobyerno tapos lahat na lang ata ng basketball court na pinatayo nila ay nakaukit ang kanilang pangalan o nakapinta sa bubong. Walang kaso kung pera nila ang gamit nila at hindi ang pera ng bayan. Meron pang mga waiting shed na may initial ng pangalan ng nakahalal ang ginagamit na pundasyon gaya ng may letrang "S". Hindi lang yun kasi makikita mo na rin ang pangalan nila sa mga dinodonate nila na mga gamit sa tao gaya ng bag ng mga magaaral na kanilang binibigay at may litrato pa nila, inspirasyon ba ang mukha mo sa bag ng mga bata? Kulang nalang ata ay pati plastik bag ay may pangalan nila, siguro kung kasya pa sa budget ay pagawa narin sila ng sarili nilang statwa sa bayan na kanilang sinasakupan. Minsan pa nga ay talo pa ang artista sa mga tarpaulin eh at billboard, bawat okasyon na lang dapat may pagbati halimbawa ay Merry Christmas from Mayor Batongbakal with matching Happy face pa kasama ang pamilya niya habang naka santa hat, ganoon di pag fiesta sa bayan, o kaya ay bagong graduate ang magaaral lalagyan lang ng toga ang picture nila o kaya ay New years Day na may fireworks bilang background, isama na rin naten ang halloween o ang valentines day. Walang patawad sayang sa budget na sana ay dinonate nalang nila sa mga nasalanta ng bagyo o kaya ay nagpaaral ng lang sila ng bata para maging iskolar ng bayan. Ayun lang ay baka sa ID ng bata ay nakaukit ang pangalan nila na Iskolar ni Mayor Batongbakal #1. Wag kang matawa kasi ganyan na ngayon ultimo mga sidewalks sa kalye ay may nakaukit na logo na ginawa nila na may initial ng pangalan nila. Ayos diba? Sadyang hindi makatarungan lalo na at kung ang gamit nilang pera ay ang galing sa bulsa naten, ang kaban ng bayan, ang budget sa termino nila.
Masakit man pero totoo ganoon na sa ating bansa, marami na ang gumagawa nito, para ipamukha sa tao na eto o kami gumawa niyan kaya lalagyan ko yan ng pangalan namin at mananatili ito kahit matapos na ang termino ko, kahit na mamatay na ako, pang habang buhay na nanakaukit ang pangalan ko dyan.
"Ari-arian maliwanag ang buwan pag bilang kung tatlo pag mamay ari ko na to Isa... Dalawa... Tatlo"
Picture from: (http://browse.deviantart.com/digitalart/vector/?qh=§ion=&q=politician#/d1pvg3f)
Picture from: (http://browse.deviantart.com/digitalart/vector/?qh=§ion=&q=politician#/d1pvg3f)
0 Reactions:
Post a Comment