Bakit ba nagpapakamatay ang isang tao? Maraming dahilan kung bakit tinatapos nila ang sarili nilang buhay. Minsan akala mo okay sila pag kaharap mo pero sa loob nila unti-unti na sila nadudurog. Mas mahirap dalin ang isang emosyonal na sakit kesa sa pang pisikal na karamdaman, kasi nakikita mo kung anong mali, hindi katulad pag sa loob mo nararamdaman. Ano nga ba ang mali? Kaya naniniwala ako na maraming tao ang sinasaktan ang kanilang sarili para mahati ang sakit na kanilang dinadala, para mabaling yung sakit at hindi mag-focus sa loob lamang. Pero pag sobra na, minsan di mo na kaya, minsan wala ka sa tamang pagiisip, maspipiliin mong magpakamatay na lang.
Sa Divine Comedy, nilathala ni Dante ang kanyang karanasan nuong nakita niya ang impyerno, ang mga parusa daw sa mga taong nagpapakamatay ay mag anyo silang puno, ang katawan nila ay ang haligi ng puno, ang mga kamay nila ang nagsisilbing mga sanga. Tapod paulit-ulit silang kinakain ng mga higante, tapos tutubo ulit sila. Ang ekspalanasyon dito ay walang katapusang "pain" dahil tutal yun naman ang gusto nila nung nabubuhay pa sila.
Ano ba ang nararamdaman ng isang "depressed" na nilalang? Ako, naranasan ko na ang ma-depressed. Pero mahirap alamin, kasi wala namang itong istandard na sintomas, walang kasigaraduhan, lahat iba-iba ang paraan ng pagka-depress, una ay mamaramdaman mo na may mabigat sa loob, hindi mo nakikita kundi nararamdaman mo lamang at di mo masabi kung saan ng gagaling ang sakit na iyong nadarama, hindi mo alam kung saan mo makikita, kasi hindi siya eksternal na sakit. Pangalawa, hindi mo na ma-kontrol ang iyong emosyon, sadyang biglang lungkot, umiiyak ng walang dahilan, walang imik, biglang walang ganang kumain, parang ang hirap na mabuhay sa pang araw-araw, parang bawat araw ay pasakit kung baga pasan mo ang problema ng mundo, at ang masakit pa nito ay di mo alam ang dahilan. Pangatlo, sa una masgugustuhin mo mag-isa, sa isang sulok, tahimik kasi ayaw mo ng makihalubilo sa tao, pero sa huli, gusto ko na ng maingay, magulo, kasi hindi ko naiisip yung mga dapat kung isipin, nakakalimutan ko na malungkot ako, maraming istorbo, ibig sabihin mas nalilibang ka. Pang-apat, napapranning ka sa mga nangyayari, ayaw mo ganito, ayaw mo ng ganyan, kung baga naging moody ka. Minsan, kahit napaka liit lamang ng problema, or kahit hindi naman dapat pagtuunan ng pansin ay pinapalaki lalo ng utak mo, parang lalong papakomplikaduhin. Panglima, pakiramdam mo lumilipas ang bawat oras ng wala kang paki sa mundo kundi ang sarili mo, parang ikaw lang, napaka-selfish kung baga ng sakit na depression, ang mahirap kasi ikaw lang ang nakakaramdam. At huli, ayaw mo ng mabuhay, parang masgusto ko ng makita ang "unforeseen" na mga bagay kesa sa mabuhay, kasi wala ka ng pakiramdam at all, kahit may magpakita sayong multo, o tumayo ka sa tuktok ng isang gusali, na eh kahit takot ka sa mga matataas o nakakalulang lugar eh dedma lang at lahat kaya mo ng gawin sa sarili mo, na kahit saktan mo na ang sarili mo ay manhid ka na dahil mas mabigat pa rin ang nararamdaman mo sa loob.
Pero isa sa pinakamahirap na naranasan ko ay yung pakiramdam na mababaliw na ako, kinakausap ko sarili ko, may isang salita lamang akong sinasabi na paulit-ulit sa utak ko, na kahit ipikit mo na ang mata mo ay hindi ito titigil, para bang naka-rewind. Tapos kahit pilitin mo na iba ang isipin o gumawa ka ng ibang bagay para lang mabaling ang iyong atensyon mo doon, sa huli ay babalik ka parin sa iisang salitang binabangit mo paulit-ulit sa utak mo. Yung mga panahon na yun ang pinakamahirap para sakin, yun talaga yung mga oras na sinasaktan ko na sarili ko kasi pakiramdam ko talaga ay nasisiraan na ako ng bait. Minsan ang nagpapatulog na lang sa akin ay yung pagod ko sa pagiyak, at doon lang napapahinga yung utak ko.
Noong una pa ay ayaw mo aminin na may ganito kang nararamdaman kasi ayaw mo ng mag-explain pa kung bakit ka ganto, para bang walang nakakaintindi sayo kundi ikaw lamang. Masyadong seryoso ang topic na to kasi marami na ang biktima. Maspinipili na tapusin na ang kahirapan sa isang kisap mata kesa humingi ng tulong sa mga eksperto. Sa Pilipinas kasi pag kumusulta ka sa isang psychiatrist, mapapasama pa ang tingin sayo ng mga tao at huhusgahan ka na agad na may sira sa ulo o kaya ay baliw, hindi katulad sa ibang bansa na okay lamang. O minsan ayaw mo lumapit sa kanila, kasi baka sabihin nila na, wala yan, nararamdaman mo lang yan ngayon, wala kang depression, arte lang yan o kaya ay nagpapapansin ka lang.
Mahirap ang umabot sa punto na gusto mo ng saktan ang sarili mo, kasi para kang sinasapian eh, wala ka ng muang sa ginagawa mo, parang hindi ikaw, parang may nagkokontrol sayo na gawin mo to, kasi ayaw mo, sadyang mahirap na. Pero ako nung subukan ko, hindi ko naman intensyon ang magpakamatay, gusto ko lang makaramdam ulit, gusto ko lang na maramdaman na may nararamdaman pa ako. Gets? Babangitin ko na dito yung isang beses na sinubukan ko, minsan nakaupo ako sa banyo, sa harap inuupuan ko ay may magazine stand, at nandoon nakalagay ang isang "pedicure kit", nakita ko ang isang bagay na may patulis sa dulo, di ko alam kung file ba tawag doon or pusher, basta metal siya. Kinuha ko to at sinubukang isak-sak sa kanan kong hita, sinubukan kong itusok ito, pero natauhan ako nung malapit ng masugat yung hita ko kasi dito naramdaman ko na may "pain". Ang "weird" pero naginhawaan ako sa ginawa ko.
Sa huli, mas napalapit pa ako sa Diyos kasi, dito mo siya kailangan eh. Dito, siya lang makakaintindi sayo, siya lang yung makakaramdam ng dinaranas mo, kahit gusto mo ng matapos lahat, siya yung andyan para gabayan ka, para bigyan ka ng lakas, kung baga last push, isang pang "try".