Minsan lang makakatagpo ka ng addict na customer, yung pabalik-balik kahit na paubos na pera, punta parin siya. Medyo marami rin nagkakasakit sa pagpunta dito sa club, paano kalapit namin ang isang kanal na pinagbabagsakan ng mga kemikal galing sa mga pabrika na nakapalibot dito sa may amin. At siya nga pala, may sakit din ako, nakakahawa nga siya, alam mo na yun! At alam din naman yun ng mga customer ko. Halos lahat kaming mananayaw ay may nakakahawang sakit, mapababae o lalaki, dito na namin ito nakuha. Pero dedma lang tuloy parin sa pagtratrabaho, kelangan kumayod, kelangan ng pera eh. Gayon pa man eh tuloy pa rin ang pagdagsa ng costumers. Parang wala lang yung mga sakit na pede nilang makuha samin, parang okay lang sa kanila. Di ba nila naisip na may iba pang taong nagmamahal sa kanila, di ba nila naisip yung pamilya nila o yung mga anak nila? Ako pa talaga itong may paki sa buhay nila. Hay kung ako nga tong may sakit ay makakawala sa sumpang to o kung may lunas man ay ititigil ko natong trabahong pinasok ko at tuluyang iiwanan ang dati kong buhay. Kaso sira na eh, wala ng pagasang maayos, may taning na lahat ng buhay namin, as in lahat kaming mga mananayaw dito sa club. Nakakatuwa nga kasi talagang panandaliang ligaya lang ang aming mabibigay kasi talang saglit lang tong buhay namin.
Medyo nawalan na rin ako ng paki sa sarili ko lalo na at alam ko na sira na to. Nawalan na din ako ng paki sa iba, lalo na at alam kong alam nila na may nakakahawa akong sakit, na sa akin ito nang gagaling, na napapasa ko ito sa kanila, sa madaling salita ako ang dahilan pero wala silang pakialam. Lalo akong naging bato, wala ng pakiramdam. Sabi rin naman ng iilang kong customer na "life is short" so mabuti pa eh magpakasaya na lang kasi dadating naman daw tayo sa punto na mamamatay tayo, o kung oras mo na edi oras mo na!
Ngayon para biglang sikat ng mga clubs , biglang daming costumers. Para bang ina-advertise kami, kala mo legal eh, kahit masama sige lang. Siguro yung iba ni rerefer lang kami sa mga kaibigan kung baga second hand information ba. Yung iba naman naririnig lang nila sa mga kwentuhan sa kanto na ayos daw tong club na to kaya patuloy ang dagsa ng tao. Buti na lang yung iba nakokontento na sa tingin at sa konti hawak lang sayo. Parang patikim lang nga ang dating o pa-try lang, kadalasan ito yung mga first timer eh. Minsan pag nagustuhan nila ang unang subok ay tsak na babalik sila, pero minsan yung iba peer pressure lang at yung iba sa unang sabak ay umaayaw na dahil di daw nila trip, kaya eto yung mga taong tinitingala ko eh dahil may paki sa kanilang sarili, kung baga eh na curious lang o sinubukan lang, sa huli sila yung mga di nahahawa samin, di sila nakakakuha ng sakit samin.
Pero marami ring may ayaw sa mgakatulad namin alam mo na eh, halos ikalat namin ang sakit namin. Marami na kasi ang nagkakasakit, ganoon eh pasa-pasa, pag nakuha mo na ay pedeng mapasa ang sakit. Kaya nga ngayon ay maraming kumakalat na babala sa pag gamit sa aming mga dancers, sa pagrenta sa amin, sa pagpunta sa mga clubs. Mga nilalathala ng mga nakapaskil na babala na kumunsulta kaagad sa doktor pag may naramdaman na na sintomas, para maiwasan ang paglala, may mga seminars pa nga ang naipapasatupad eh pati batas, para lang maparating sa masa na masama ang aming naiidulot sa publiko at masama ang mga makukuhang sakit samin. Grabe diba nakakasakit sa puso, para kaming ketong napilit na dapat layuan. Pero di naman kami matuligsa kasi wala naman silang magagawa eh kahit nakahalal na ay minsan nagiging customer pa namin. Kaya mahina talaga na matigil ito, nasa tao na lang mismo kung ayaw niya o gugustuhin niya.
Naglipas ang isang taon, halos maubos na ang aming mga customers, malay ko ba kung bakit, baka umipekto ang mga simpleng babala na nakapaskil sa mga pampublikong lugar. Nagkamali ako dahil isang araw nagtext sakin ang isa kung customer na di na daw siya pupunta kasi may nakita na daw siya na mas maganda, aba eh sakin daw ba sabihin? Pero na curious din ako kaya nagtanong ako, at ito ang nakalap ko. Alam mo na may mga bagong teknolohiya na yung nasa kamay mo na ay makakamtam mo na ang kaligayahan, parang ganoon lang din daw ang pakiramdam pati ang satisfaction na nakukuha nila ay parehas lang at higit sa lahat walang sakit silang maaaring makuha. Ayos talaga mga bagong gadgets ngayon halos virtual na ah. Sa huli mas okay to sa akin, at least wala na masyado nahahawa sakin. Pero may iba pa rin na gusto ang aming serbisyo, ito yung patuloy na tumatangkilik samin, kaya ayun nakaladlad parin kami sa masa, binebenta pa rin ang aming mga katawan sa publiko. Tuloy parin ang buhay sa mga katulad ko. Pero dahil tutol pa rin ako sa ginagawa ko at dahil wala naman akong magagawa sa buhay ko para baguhin eto, gumawa na lang ako ng motto ko sa buhay, nakakatawa pero ewan, naisip ko lang
"Si Garret is bad for your health"
Picture: http://browse.deviantart.com/digitalart/vector/?q=man+smoking#/d1187lu