Artista islash Politisyan

Bakit ganun pag artista ka pede ka mag politician kahit wala ka background dun sa economy and other things? at Bakit pag politician ka artista ka? huh. make sense? haha.
Pag pumasok ka sa buhay showbiz, sigurado isang commercial pa lang eh yayaman ka na. Pag pumasok ka sa buhay ng isang politician pag upo mo plang sa senate ay sure yun may pera kana.. Karamihan sa mga tao kasi hindi kontento sa natatangap na biyaya kaya nagpupumilit pa talga silang maging mas mayaman o mas sumikat. Kaya ang mga artista gusto maging politician at ang mga politician ay pede ring maging artista. o kaya naman pede silang maging.....maging magasawa o magkapartner. Di kasi nawawala sa bansa naten ang tambalan ng dalawang kampong yan. kailangan mag exist nung isa para mag exist din ung isa.
Pansinin mo. Mas maraming artista ang nagiging politician kung di man sa senate or presidency ay sa mga mayor, councelor ng isang town o barangay.. Si Erap ay isa nang halimbawa. ang tanong eh may alam ba siya sa politics ng sobra sobra. Feeling ko ginawa lang niya yun dahil para mas yumaman at mas sumikat at ganun na nga ang nangyari in the end. Yung mga mayor ay halos lahat artista. Even si manny Pacquio gusto na rin mag politician eh diba artista siya at naghost ng isang programa tapos ngayon sasabak siya sa mundo ng mga politician na hindi naman niya alam dahil di siya nakapagtapos ng pagaaral. Yung iba di naman magampanan ng maayos ang kanilang trabaho sa republika ng pilipinas. naluluklok sila sa puwesto dahil sikat sila. ang pagiging sikat ay isa sa aspetong dapat ikonsidera ng bawat taong nangangarap sa politika. sa mga artista, nasa kanila na ang kasikatang kailangan nila. hindi nila na kailangan pang gumastos ng husto para magpasikat. sila pa ang nababayaran dahil sikat sila.
Eto ung isang clipping sa dyaryo:
Hindi dapat "Boses ng Bayan" ang naging islogan ni VP Noli "Kabayan" de Castro nang pumasok siya sa pulitika, kundi "Boses ng Dos". Wala kasing nakarinig ng boses ni kabayan na ipagtanggol nito ang taong bayan laban sa Meralco at Maynilad (na may ari rin ng ABS-CBN) sa walang puknat na pagtaas nito sa singil ng kuryente at tubig. Pero nang masangko si Julius Babao, ang kapwa niya newscaster sa abs-cbn, sa pagpipiyansa sa teroristang si Dawud Santos, todo ang pagtatangol niya dito. Diyan mapapatunayan na ang boses ni kabayan ay hindi pangbayan kundi pang dos lamang."
Sa mga politician naman, sila ung nag aasam na mag artista kahit sabihin pa nating di naten gaanung pansin. Pero sa mga simpleng poster pa lang sa metro manila, sa mga commercials and mga flyer ay laging may naka dikit na mukha nila. Para san pa kaya yung exposure na yun. Siguro nga eh para mas maging popular sila at mas magustuhan ng tao pero di mo kailangan ipakita ang mukha mo para makapagsilbi ng mabuti sa sambayanan dahil ang kailangan ng tao ay yung service nila at hindi ang mukha nila.
Lumalabas din ang pag kaartista ng mga politician tuwing may mga senate hearing or something kasi madami silang ginagawang eksena, may umiiyak ("kuno" gusto atang maging drama star), may sumasayaw (di naman kinakailangan sumayaw sa senate), may nagsasagutan (scripted naman), minsan naman may nagsusuntukan feeling nila aksyon star sila at minsan may humihirit ng joke sa gitna ng seryosong topic sa senate. Diba talo pa ang tunay na artista.
Minsan talga ay gamitin lang ang dalawang sector. Yung ibang artista nag aasawa ng politician para magamit nila sa kayamanan at yung ibang politician ay nagaasawa ng artista para may pangalan sila sa showbiz.
Sobrang Pinoy lang naman ang ganyan. Kaya nagiging magulo ang pilipinas dahil yung mga taong di dapat na kaupo sa senado at sa presidency ay siyang nakaupo. Wala silang karapatang umupo dun hangat di sila nakapagtapos ng tamang kurso para magsilbi sa taumbayan. At wala ring sense ang mga politician na nagpopost sa mga billboard sa metro manila. Pero wala na tayong magagawa dahil nangyari na ang nangyari. hay
Pero in the end di natin dapat sisihin ang mga artistang tumatakbo bilang isang politician dahil sa una plang tayo na ang naghalal sa kanila sa pwesto dahil feeling naten ay kaya nilang gampanan ang pagiging politician. kaya tayo rin ang may kasalanan.
Kaya dapat mamili ka ng dapat mong pasukang mundo. Hindi dapat maging sugapa para makamit ang kayamanan. Maging sigurado dapat sa iyong tatahakin o papasukang mundo kung saan ka nababagay pero wag mo ring ilimita ang iyong kakayanan sa bagay na yun.
2 Reactions:
feeling ko kaya lang naghahalal ng artista yung mga tao kasi maybe they got potentials. di mo rin masisisi kasi naman nagsawa na sila sa mga politicans nating bulok at korupt. well tama ka, hindi lahat. may politicians/artista na ang aim talaga ay matulungan at mapaunlad ang mga tao, pero yung iba, ayun para kumuha lang ng pera sa kaban ng bayan. tulad nalang ni vilma, di ako vilmanian pero as far as i can see, she's doing good, and wala siyang inaasahan na kapalit ( i think?). oo di natin maaalis na lahat ng opisyales ay may halong korupsyon, given na yun... siguro yung iba sobra lang. hahaha. so anung point ko? may mga artista na deserving merong hindi, siguro hindi lang masusukat sa talino and stuff. ewan ko, sa simpleng student council nga lang, wala naman qualifications na kailangan valedictorian dba? hahha. oh basta yun! ang haba na. nice blog. tumakbo ka na bilang presidente :))
sa bagay. give chance. kaso yung iba talga wala naman background dun sa pinapasok pero oh well pero maganda naman ang pinapakita kaya okay na. Tapos ung politisyan talo pa artista eh wahaha
Post a Comment