Imported

~ Wednesday, November 11, 2009

Tuwing may uuwing balikbayan sa Pilipinas galing sa ibang bansa laging may pasalubong na imported na mga pagkain like spam at mga damit na siya nating pinagkakaabalahan. Hanggang ngayon lagi tayong nagiintay ng pasalubong sa mga kamaganak naten na galing sa ibang bansa at nangunguna na dito ay ang chokolate. Kahit na masasabing dito ay may nabibili ng ganyan, eh iba pa rin talaga pag galing sa ibang bansa. Kung baga para naring itong paraan para makapunta tayo dun sa bansang iyon kahit sa simpleng chokolate o pagkain man lang.

Pero ngayon dagsa na ang mga imitation ng mga paborito nating mga damit o mas sikat sa tawag na ukay-ukay o tiangge. Pero indi naman ito nagsimula sa Pilipinas kundi sa mga bansang China at Japan. Mas nabibili ito ng tao dahil sa mura ito at hindi tinitignan ang kualidad. Basta mura siya ay okay na dahil na nga sa taghirap tayo. Parang nawawalan tuloy ng halaga ang mga orig na brands pag ginagaya. Tulad na lang ng havaianas, na isang brand ng tsinelas na kinagigiliwan dito sa bansa kasi daw pag may havaianas ka eh sikat ka o yung iba nagustuhan to dahil sa matibay ito. Pero ngayon ginaya na siya, so yung iba nag shift sa ibang brands gaya ng ipanema. Pero mahahalata mo naman ang orig sa peke.

Hanggang sa umabot na ang import ng mga shows from other countries. Una ay mga italian shows like Rosalinda tapos sinundan ng mga Korean Dramas and then Japanese. Pumatok naman ito sa mga Pinoy. Dito ginagamit ang dobbing (tama ba spelling?) oh basta iyun. So nauso nga ang pag translate nito sa tagalog syempre para maintindihan naten.

Di pa doon natapos ang pagimport ng mga Drama shows dahil pumatok ang mga drama shows ng Korea, Japan at Italia sa mga matatanda. Syempre di pahuhuli ang mga bata. Meron din silang Anime o Cartoons na imported din. haha. Una nauso yung mga ala European cartoons like Sarah then mas sumikat ang anime from Japan na mas kinabaliwan ng teenagers ngayon at ngayon may mga cosplay na din tayo dito sa Philippines.

Hindi lang nauso ang gayahan sa mga damit pati sa TV Shows at Cartoon. Pati na rin sa kanta! Sumikat ang pagremake ng kanta at gawing itong Filipino version. Ilan na dito yung Umbrella ni Rihanna, Mga beautiful girls, Soulja Boy at madami pang iba. Kahit pa para sa iba ay badoy, eh tuloy parin ang remake. Pero sa iba gustong gusto nila ito dahil uso daw. Para in! haha.

Tapos pag dating naman sa mga Cartoons or Superheroes natin na parang ginaya din sa ibang bansa. Parang ganto: Pag meron tayong Captain Barbell, may Superman naman ang America; Kung meron tayong Gagamboy, may Spiderman naman sila; Kung may Darna tayo, may Wonderwoman sa kanila. Di ko alam kung sino nauna sa kanila. Pero at least parang may pag ka copycat ang dating. Kasi the same.

Di pa doon natapos, after everything sumunod na rin ang pag import ng mga gameshows, like wheel of fortune, deal or no deal, family feud, who want's to be a millionaire at the weakest link. Lagi na lang nateng kinokopya ang mga gawa sa ibang bansa. Buti pa ang Game Ka Na Ba? na nagsilbing original na gameshow naten na ginaya naman sa ibang bansa.

Then after the gameshows, here comes the Reality shows: Like Pinoy BIg Brother, Survivor and Fear Factor.Di na ata tayo natuwa. :))

Di pa ata natuwa ang dalawang stations sa Philippines at nag try na mag remake ng mga shows. First is the Marimar, meron My Girl at marami pang iba. Then lumalabas na yung humors about Twilight making a Filipino Version.

Hindi ko Masasabi kong nakakabuti ba ito sa ating bansa o hindi. Kung titignan naten sa Positive side parang ito yung way para maipakita naten na kaya rin nating gumawa ng mga shows na world class at parang way na din natin ang pag kopya or pag adapt ng shows para maki bagay tayo o makapantay naten ang standards ng ibang countries. Pero sa Negative side naman eh parang nabubura na yung totoong gawa Pinoy. Oo, may touch of Pilipino culture nga siya pero diba mas proud kang sabihin na ito ay talagang gawa ng Pinoy na walang bahid ng gaya sa ibang bansa kasi mas nakikita ang kultura ng Pinoy.

Ikaw ano sa tingin mo? Maganda bang mag adapt o hindi?

0 Reactions:

Post a Comment