Boto


Sa darating na Eleksyon, handa ka na ba bumoto bilang isang nagiisip na Pilipino? bawat boto ay mahalaga, lalo na sa bansang umaasa sa mga pangako ng mga tatakbo bilang Presidente, Bise, o sa kahit anong sektor ng Pamahalaan, sa Malacanang man o Lokal na Pamahalaan. Kanya-kanyang mga tag-line, mga palatastas, at mga pakulo ang mga kandidato. Iba-ibang tema, may para sa kalikasan, kabataan, OFW at mahihirap. Kapalan na ng mukha ang ibang mga tumatakbo, umaarte kahit di marunong, pinipilit kumanta kahit matinis at di kanais-nais at meron ding natututong sumayaw kahit kaliwa ang mga paa.

Sa mga nakaraang dekada at sa kasalukuyan, naranasan ng bayan ang hikahos at mga paghihirap sa kamay ng iba't ibang lider ng ating bansa. Ang buong bayan ay saksi sa mga rebolusyong nagdaan, kapit-bisig ang mga Pilipino nung nakaraang Edsa I at Edsa II, para mapatalsik ang mga lider na di karapat-dapat na naihalal at sadyang ginagamit ang pwesto para sa pangalan at kaban ng bayan. Lahat ay nagaasam ng pagbabago sa mga bagong kalahok at uupo bilang pinuno ng ating bansa. Uhaw tayo sa pag-unlad, dahil kung baga puro pangako lamang ito at pawang nananatili ito sa ating lalamunan, naiipon hanggang sa mabubulunan tayo dahil hanggang salita lamang, kelangan ng panulak, kelangan makita ng masinsinan ng tao ang pagbabago.

Ang mga kabataan, patuloy na umaasa maging malinis ang halalan pero di naten hawak ang botohan. Alam ko, may bayaran pa rin, may dayaan, may katiwalian. Marami pa ang dapat baguhin. Sana nga'y maging maganda ang pagamit ng mga makinarya, sana'y tagumpay, sana'y ito ang simula ng malinis na eleksyon o kahit man mabawasan man lang ang dayaan.

Patuloy parin ang mga welga sa bansa, para sa kaunlaran at laban sa mga katiwalian, gusto man makiisa pero mas-iniisip ng ating mga kababayan ang pag-aaral muna, o paghahanap buhay para lamang may ihapag na pagkain sa mga anak, uunahin muna ang mahahalagang bahay para mabuhay sa susunod na araw. Ilan na ang nagwelga, pero iilan lang din ang sinagot, madalas ay pangako na lamang na napapako.

Masyadong malawak ang salitang korrupsyon, parang di na nawala ito sa ating bayan. Nakabilang pa tayo sa mga bansang may pinaka laganap na korrupsyon. Lubos man itong nakakahiya dahil isa rin tayo sa mga bansang may pinaka maraming katoliko tapos ganto ang kakalabasan. Dapat isagawa at isabuhay ng mga kalahok ang kanilang mga natutunan sa mga iskwelahan na kanilang pinasukan. Sana ay inisip na lang muna nila, ang mga naghihirap bago sila kumuha sa kaban ng bayan. Oo, isa itong krimen, isang pagnanakaw na dapat ang ipataw ay panghabang buhay na pagkakulong, dahil hindi ito basta-basta ari-arian o pera ng sinuman, bagkos dito nakasalalay ang ating kinabukasan. Hindi ko naman nilalahat ang mga nagdaang pangulo, na lahat ay nagnakaw pero mas marami pa ata ang ginamit ang pwesto para sa sariling karanyaan kesa para sa bayan at kakaunti lang ang mga pangulong nagsilbi para talga sa ikauunlad ng kapwa niya. Parang nagsilbi na rin itong sakit sa ating pamahalaan, kung baga ay isang sakit na nakakahawa.

Bilang isang Pilipino at patuloy na umaasa sa kahit kaunting pagbabago, sana makilahok tayo sa darating na eleksyon, wag na sanang maulit pa ang mga nangyari sa nakaraan at samahan dapat ito ng dasal.


~ Wednesday, November 11, 2009 0 Reactions

Imported


Tuwing may uuwing balikbayan sa Pilipinas galing sa ibang bansa laging may pasalubong na imported na mga pagkain like spam at mga damit na siya nating pinagkakaabalahan. Hanggang ngayon lagi tayong nagiintay ng pasalubong sa mga kamaganak naten na galing sa ibang bansa at nangunguna na dito ay ang chokolate. Kahit na masasabing dito ay may nabibili ng ganyan, eh iba pa rin talaga pag galing sa ibang bansa. Kung baga para naring itong paraan para makapunta tayo dun sa bansang iyon kahit sa simpleng chokolate o pagkain man lang.

Pero ngayon dagsa na ang mga imitation ng mga paborito nating mga damit o mas sikat sa tawag na ukay-ukay o tiangge. Pero indi naman ito nagsimula sa Pilipinas kundi sa mga bansang China at Japan. Mas nabibili ito ng tao dahil sa mura ito at hindi tinitignan ang kualidad. Basta mura siya ay okay na dahil na nga sa taghirap tayo. Parang nawawalan tuloy ng halaga ang mga orig na brands pag ginagaya. Tulad na lang ng havaianas, na isang brand ng tsinelas na kinagigiliwan dito sa bansa kasi daw pag may havaianas ka eh sikat ka o yung iba nagustuhan to dahil sa matibay ito. Pero ngayon ginaya na siya, so yung iba nag shift sa ibang brands gaya ng ipanema. Pero mahahalata mo naman ang orig sa peke.

Hanggang sa umabot na ang import ng mga shows from other countries. Una ay mga italian shows like Rosalinda tapos sinundan ng mga Korean Dramas and then Japanese. Pumatok naman ito sa mga Pinoy. Dito ginagamit ang dobbing (tama ba spelling?) oh basta iyun. So nauso nga ang pag translate nito sa tagalog syempre para maintindihan naten.

Di pa doon natapos ang pagimport ng mga Drama shows dahil pumatok ang mga drama shows ng Korea, Japan at Italia sa mga matatanda. Syempre di pahuhuli ang mga bata. Meron din silang Anime o Cartoons na imported din. haha. Una nauso yung mga ala European cartoons like Sarah then mas sumikat ang anime from Japan na mas kinabaliwan ng teenagers ngayon at ngayon may mga cosplay na din tayo dito sa Philippines.

Hindi lang nauso ang gayahan sa mga damit pati sa TV Shows at Cartoon. Pati na rin sa kanta! Sumikat ang pagremake ng kanta at gawing itong Filipino version. Ilan na dito yung Umbrella ni Rihanna, Mga beautiful girls, Soulja Boy at madami pang iba. Kahit pa para sa iba ay badoy, eh tuloy parin ang remake. Pero sa iba gustong gusto nila ito dahil uso daw. Para in! haha.

Tapos pag dating naman sa mga Cartoons or Superheroes natin na parang ginaya din sa ibang bansa. Parang ganto: Pag meron tayong Captain Barbell, may Superman naman ang America; Kung meron tayong Gagamboy, may Spiderman naman sila; Kung may Darna tayo, may Wonderwoman sa kanila. Di ko alam kung sino nauna sa kanila. Pero at least parang may pag ka copycat ang dating. Kasi the same.

Di pa doon natapos, after everything sumunod na rin ang pag import ng mga gameshows, like wheel of fortune, deal or no deal, family feud, who want's to be a millionaire at the weakest link. Lagi na lang nateng kinokopya ang mga gawa sa ibang bansa. Buti pa ang Game Ka Na Ba? na nagsilbing original na gameshow naten na ginaya naman sa ibang bansa.

Then after the gameshows, here comes the Reality shows: Like Pinoy BIg Brother, Survivor and Fear Factor.Di na ata tayo natuwa. :))

Di pa ata natuwa ang dalawang stations sa Philippines at nag try na mag remake ng mga shows. First is the Marimar, meron My Girl at marami pang iba. Then lumalabas na yung humors about Twilight making a Filipino Version.

Hindi ko Masasabi kong nakakabuti ba ito sa ating bansa o hindi. Kung titignan naten sa Positive side parang ito yung way para maipakita naten na kaya rin nating gumawa ng mga shows na world class at parang way na din natin ang pag kopya or pag adapt ng shows para maki bagay tayo o makapantay naten ang standards ng ibang countries. Pero sa Negative side naman eh parang nabubura na yung totoong gawa Pinoy. Oo, may touch of Pilipino culture nga siya pero diba mas proud kang sabihin na ito ay talagang gawa ng Pinoy na walang bahid ng gaya sa ibang bansa kasi mas nakikita ang kultura ng Pinoy.

Ikaw ano sa tingin mo? Maganda bang mag adapt o hindi?


~ 0 Reactions

Ligaya


Ayon sa Happy Planet Index 2009, ang Pilipinas ay nasa pang 14th na pinaka masasayang tao sa buong mundo. Kahit na nasagitna ng kaguluhan, korupsyon o kahirapan, nakukuha pa rin ngumiti ng mga Pilipino.Siguro ay paraan na ito para mapawi ang ating kalungkutan sa gitna ng mga pangyayari sa bansa.

Marami na akong mga napansin na kaugalian ng mga Pinoy na kahit na may trahedya ay nakangiti pa rin at patuloy na lumalaban. Tuwing bagyo, gaya ng millenyo, remy, ondoy at pepe, maraming nawalan ng tirahan, kagamitan at ari-arian, pero sa tuwing may cameraman at reporter at naipapakita sila sa telebisyon, ay parang mga hindi nasalanta ang mga tao, patuloy sa pagkaway sa camera, nakangiti at tumatawa habang naglalaro sa baha. Masaya? Oo?

Sa isang burol, nakaitim ang lahat, malungkot at nagluluksa pa sa kanilang yumaong mga mahal sa buhay pero sa kabila nito, sa tapat mismo ng bahay, parang may perya, naglalaro ang mga tao, nakangiti, nakatawa, habang hawak ang isang manipis na karton na may mga numero at mga letrang BINGO, sa kabilang dako naman ay may mga nagsosolitaire at tong-its habang may kantahan. Masaya? Oo?

Sa loob ng silid-paaralan, napahiya ka dahil napagalitan ka ng iyong guro o nadapa ka sa labas ng silid o bumagsak sa isang maikling pagsusulit o nahulog sa jeep, ano sa tingin mo ang gagawin mo? siguradong Pinoy ka kung ang una mong gagawin ay ikwekwento mo ito sa iyong mga kaibigan, tatawa at maghahalakhakan, hindi man lamang marunong mahiya. basta ginawang katawa-tawa ang mga problema. Masaya? Oo?

Ikaw naman mismo ang nakakita ng nadapa, nahulog, nadulas, natalisod o kahit na medyo panget ang itsura o may kapansanan. anong gagawin mo? hindi ba ay tatawa, patago man, sa isip man o liberal man kahit di katawa-tawa. Tawa parin. Dapat bang tumawa? Oo? haha.

Sa text o sa chat parang hindi kumpleto sa mga Pilipino pag wala ang mga salitang, hehe, haha, hihi, wahaha, mwahaha, o wakoko? HIndi ba parang isang nakaugalian na ito?

Di mo na lubos mabilang ang mga Comedy bar sa Pilipinas, isa itong pangtanggal ng mga problema, marami dito nyan, naglipana talga. Ipinaplog-plog pa sa mga telebisyon at radyo, anong kadahilanan? para magpasaya at magpatawa. Ginagaya ang mga ilang kilalang mga aktor, politisyan at personalidad tapos gagawing OA ang pagarte para katawa-tawa naman. Mga di mabilang na mga palabas o pelikula ang ating mga napapanuod sa telebisyon.

Sa Facebook, tag dito, tag doon. Wala naman kwenta ang larawan: sadyang isang panget lang na tao ang makikita, mga nakahubad na bata, mga letrato ng mga mali-maling spelling na plakard at kung anu man. Ayaw sulohin ang kaligayahan parang lagi dapat may kasalo.

Sa mga palatastas sa telebisyon halos lahat ng tema ng mga ito ay lagi tungkol sa maliligayang araw, mga nakangiting kalahok, pamilyang nagbibiruan, magkakaibigang nagtatawanan sa iskwelahan at kung ano pa. Mga Station ID's ng mga network sa Pilipinas ay mapapansin mo laging masaya ang tema.

Kasama sa ating kultura ang mga Fiesta sa bawat baryo kasama ang mga parada at kainan, Mga Linggo ng wika, social science week, pampalakasan etc. na dinaraos sa mga iskwelahan at mga kung ano-anung palahok sa barangay: miss at mister barangay, miss gay, miss little pageant, sayawang bayan at kantahang bayan, sabong at kung ano-ano pa.

Masaya sa Pilipinas Dahil sa mga taong naninirahan dito at isa akong proweba ng lahing ito, dumadaloy sa dugo ko itong isang kaugalian ng mga Pilipino. Sa isang ngiti lang napapawi ang aming problema, pero hindi mababaw ang aming kaligayahan, sadya lang. HaHa.

~ Monday, November 9, 2009 0 Reactions

Artista islash Politisyan



Bakit ganun pag artista ka pede ka mag politician kahit wala ka background dun sa economy and other things? at Bakit pag politician ka artista ka? huh. make sense? haha.

Pag pumasok ka sa buhay showbiz, sigurado isang commercial pa lang eh yayaman ka na. Pag pumasok ka sa buhay ng isang politician pag upo mo plang sa senate ay sure yun may pera kana.. Karamihan sa mga tao kasi hindi kontento sa natatangap na biyaya kaya nagpupumilit pa talga silang maging mas mayaman o mas sumikat. Kaya ang mga artista gusto maging politician at ang mga politician ay pede ring maging artista. o kaya naman pede silang maging.....maging magasawa o magkapartner. Di kasi nawawala sa bansa naten ang tambalan ng dalawang kampong yan. kailangan mag exist nung isa para mag exist din ung isa.

Pansinin mo. Mas maraming artista ang nagiging politician kung di man sa senate or presidency ay sa mga mayor, councelor ng isang town o barangay.. Si Erap ay isa nang halimbawa. ang tanong eh may alam ba siya sa politics ng sobra sobra. Feeling ko ginawa lang niya yun dahil para mas yumaman at mas sumikat at ganun na nga ang nangyari in the end. Yung mga mayor ay halos lahat artista. Even si manny Pacquio gusto na rin mag politician eh diba artista siya at naghost ng isang programa tapos ngayon sasabak siya sa mundo ng mga politician na hindi naman niya alam dahil di siya nakapagtapos ng pagaaral. Yung iba di naman magampanan ng maayos ang kanilang trabaho sa republika ng pilipinas. naluluklok sila sa puwesto dahil sikat sila. ang pagiging sikat ay isa sa aspetong dapat ikonsidera ng bawat taong nangangarap sa politika. sa mga artista, nasa kanila na ang kasikatang kailangan nila. hindi nila na kailangan pang gumastos ng husto para magpasikat. sila pa ang nababayaran dahil sikat sila.

Eto ung isang clipping sa dyaryo:

Hindi dapat "Boses ng Bayan" ang naging islogan ni VP Noli "Kabayan" de Castro nang pumasok siya sa pulitika, kundi "Boses ng Dos". Wala kasing nakarinig ng boses ni kabayan na ipagtanggol nito ang taong bayan laban sa Meralco at Maynilad (na may ari rin ng ABS-CBN) sa walang puknat na pagtaas nito sa singil ng kuryente at tubig. Pero nang masangko si Julius Babao, ang kapwa niya newscaster sa abs-cbn, sa pagpipiyansa sa teroristang si Dawud Santos, todo ang pagtatangol niya dito. Diyan mapapatunayan na ang boses ni kabayan ay hindi pangbayan kundi pang dos lamang."

Sa mga politician naman, sila ung nag aasam na mag artista kahit sabihin pa nating di naten gaanung pansin. Pero sa mga simpleng poster pa lang sa metro manila, sa mga commercials and mga flyer ay laging may naka dikit na mukha nila. Para san pa kaya yung exposure na yun. Siguro nga eh para mas maging popular sila at mas magustuhan ng tao pero di mo kailangan ipakita ang mukha mo para makapagsilbi ng mabuti sa sambayanan dahil ang kailangan ng tao ay yung service nila at hindi ang mukha nila.

Lumalabas din ang pag kaartista ng mga politician tuwing may mga senate hearing or something kasi madami silang ginagawang eksena, may umiiyak ("kuno" gusto atang maging drama star), may sumasayaw (di naman kinakailangan sumayaw sa senate), may nagsasagutan (scripted naman), minsan naman may nagsusuntukan feeling nila aksyon star sila at minsan may humihirit ng joke sa gitna ng seryosong topic sa senate. Diba talo pa ang tunay na artista.

Minsan talga ay gamitin lang ang dalawang sector. Yung ibang artista nag aasawa ng politician para magamit nila sa kayamanan at yung ibang politician ay nagaasawa ng artista para may pangalan sila sa showbiz.

Sobrang Pinoy lang naman ang ganyan. Kaya nagiging magulo ang pilipinas dahil yung mga taong di dapat na kaupo sa senado at sa presidency ay siyang nakaupo. Wala silang karapatang umupo dun hangat di sila nakapagtapos ng tamang kurso para magsilbi sa taumbayan. At wala ring sense ang mga politician na nagpopost sa mga billboard sa metro manila. Pero wala na tayong magagawa dahil nangyari na ang nangyari. hay

Pero in the end di natin dapat sisihin ang mga artistang tumatakbo bilang isang politician dahil sa una plang tayo na ang naghalal sa kanila sa pwesto dahil feeling naten ay kaya nilang gampanan ang pagiging politician. kaya tayo rin ang may kasalanan.

Kaya dapat mamili ka ng dapat mong pasukang mundo. Hindi dapat maging sugapa para makamit ang kayamanan. Maging sigurado dapat sa iyong tatahakin o papasukang mundo kung saan ka nababagay pero wag mo ring ilimita ang iyong kakayanan sa bagay na yun.


~ 2 Reactions

Relihiyoso o Espiritual


Sabi nila ang bansa daw naten ay isa sa may pinakamalaking porsyento ng mga katoliko. Mga 90% siguro ng papulasyon ay mga romano katoliko at ung sampung porsyeto ay mga ibang relihiyon. Pero ang mga katoliko bang Pilipino ay sadyang Relihiyoso o Espiritual?

Ang mga Relihiyosong Tao ay mas ginagawa ang mga nakasagawiang tradition sa Pilipinas. Halos ito ang mas sinusunod o mas pinapapaboran ng mga matatanda. Kelangang mag rosaryo ng isang beses sa isang araw, Magdasal pag kagising, Magdasal habang kumakain ng almusal, magdasal habang kumakain ng tanghalian, magdasal ng 3'o clock prayer, Mag dasal ng angelus ng 6 o'clock. Magdasal bago kumain ng Hapunan at magpasalamat bago matulog. Halos buong araw ay puro tayo dasal, tapos pagdating sa Holy Week, maraming mga senakulo, pabasa, nagpapapalo, nagpapakrus at iba na. Ang iba nga ay napaka brutal na ang ginagawa sa sarili at pilit na ginagaya si Hesus.

Ang mga Espiritual na tao ay mas importante kung pano nila ipinakikita ang kanilang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa sa paraang kanilang gusto, hindi sinusunod ang mga tradition na ating kinagawian.

Para sa akin ang bansang Pilipinas ay Di Espiritual kundi Relihiyoso lamang na di dapat. Wala namang mali sa pagiging relihiyoso pero aminin naten na di naman naten to nai-aact. Nagdadasal ka nga pero para sa sarili mo lang at di para sa iba, Nagkukumpisal ka nga pero gagawin mo rin naman ang mga kasalan mong kinumpil, Humarap ka nga sa altar para magpakasal pero matapos ang ilang buwan o taon eh bububugbugin mo rin ang asawa mo. Nagooffer ka nga sa misa pero di ka makapagbigay sa kapwa lalo na sa mahirap, nagpapabasa ka nga di mo naman maisapuso para lang makakain sa pabasa kaya ka nagbabasa, nagpapahampas ka nga at nagpapapalo ka tuwing holy week pero nagnanakaw ka, pumapatay at nangrarape, lumuluhod ka nga simula pintuan hangang altar pero di ka naman makapagkumbaba sa kapwa.

Ano ang gamit ng mga ito kung sa huli ay papanig ka rin naman sa di tama. Dapat ay maging espiritual din tayo na kaya nating ipakita ang kabutihan sa paraang tama kahit di tradisyon. Pero mas maganda kung pareho.

Sana ang bansang Pilipinas ay maging Espiritual at Relihiyoso.

"Ipakita mo, Wag mo sabihin, Magdasal ka pero isapuso mo pati kapwa mo ipagdasal mo, magasawa ka pero panindigan niyo, mangumpisal ka pero alalahanin mo ang tama sa mali, Wag mong ipakita sa ibang naghihirap ka dahil sa pagkrus at paghahatol, ipakita mo na kaya mo ring maghirap para sa iba."

~ Tuesday, October 6, 2009 0 Reactions

Ganti ng Kalikasan


Mga magiisang linggo na ang nakalipas ng bisitahin tayo ng Bagyong si Ondoy. Alam kung masyadong "harsh" na ito ang pang una kong blog dito. Pero eto ang latest at ito ang pinaguusapan ng lahat, kung baga uso kaya ito ang napili kong ilatha dito. Sa Pagbisita ni Ondoy "We saw the best and worst in the Filipino people", bakit best? bakit worst? Best because many people helped and sacrificed their lives just to save others lives and worst dahil yung iba ay masyadong nagtake advantage sa sitwasyon na ito gaya ng pagnanakaw.

"Calamity is the best equalizer" dahil walang pinipili ang Calamidad: mahirap, mayaman, matanda, bata, artista at politisyan, lahat ay biktima, lahat ay pantay-pantay, lahat nawalan, nasiraan at nahirapan. Pero ang kaibahan ay ang mayayaman ay may ipupundar pa, ang mahirap lalong nawalan. Everyone seems to do their part as a human, as a Filipino. Walang sino-sino. Lahat tumutulong kahit di mo kilala, sa nakaraang mga araw, nakita naten ang mga bagong Bayani, mga nagsilbing anonymous. Yung mga taong di mo kilala, mga taong dati'y wala lang sa iyong buhay, ay nagkaroon ng importansya. "In times of Calamity, everyone is a Hero, everyone is a Survivor. It's like a game, yung iba to the next level, yung iba game over na".

Isa ako sa biktima, lubog ang first floor namin, buti na lang meron kaming 2nd floor para mapaglagyan ng mga gamit. Ang Mommy ko naawa sa ilang naming kapitbahay na walang ikalawang palapag ang bahay, kaya kinuha ni Mommy yung ilang mga bata at pinapanik sa aming bahay, doon muna sila hanggang tumila ang ulan. "We lost some of the things like furniture and papers, even privacy but not the love for others". Sana ganun lahat, and i think ganun nga ang aking nakikita. Kinaumagahan ng Linggo, My Dad check our businesses kung okay pa, actually it's in Tanay Rizal: the parlor and the poultry. Nagdaan siya sa Antipolo, kasi alam niya for sure doon walang baha, but instead landslide. He doesn't expect na wala siyang madaanan dahil gumuho ang ilang mga lupa at tinabunan ang daan, then he found out that 10 families died near Tanay dahil nabagsakan ng Lupa. Di siya mabalita sa news dahil mas-inuuna nilang tignan ang metro manila kesa sa other provinces near the City like Rizal. I felt lucky but at the same time pitied. Then nung nakarating ang Daddy sa vicinity ng Tanay, He was thankful na yung Parlor and Poultry was Okay but at the same time shocked sa kanyang nakita. Other establishments there are sirang-sira: Savemore, Jollibee, Chowking, Dress Stores and Other Parlors to name the few. Basag ung mga salamin and yung mga grocery ay nakakalat sa daan kaya yung iba kinukuha na lang nila, para ipakain sa pamilya, sako-sako pa, even pants galing sa RJ store ay nakakalat so yung iba kuha na lang din. I think there is nothing wrong with that.

Kahapon nag church ako sa Antipolo, nakinig ako sa Homily ni Father, at masyado ako napaisip sa isa niyang kwento: Nabasa daw niya sa Balita na may mga American Volunteers na bumisita sa mga evacuation centers at nagulat sila dahil kahit ganun daw yung situation nateng mga Pilipino, nakuha pa daw sila ngitian ng mga bata, nakiki-high five pa, kumakaway pa sa kanila at nakikipag laro. Ano daw ba ang meron sa mata ng mga batang ito at nakukuha pa nilang gumanon, nawala sa atin? ito yung question na iniwan sa amin ni Father, then napaisip ako nang matagal. Then i realize that it was "Hope". "There is Hope, we just don't notice".

Hindi lang sa atin ito nangyari, mas malala pa sa iba, Lindo sa Indonesia, Tsunami sa Samoa, approaching typhoons in Asia at nagbabantang pagputok ng Mt. Mayon. Ano pa? sabi nga nila: Now that this is happening to us, who's to blame? It's the human being. Pero wala na dapat sisihan, lahat tayo nagkasala pero meron ba tayong ginagawa?


~ Saturday, October 3, 2009 4 Reactions